^

Punto Mo

CAAP computer glitch

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NITONG mga nakaraan araw katakot-takot na aberya ang sinalag ng DoTr tulad ng mga problemang idinulot ng kanilang tren na nakabalam at nagbigay ng kaba sa mga pasahero na sakay nito.

Sabi nga, tumirik, umusok at nag-apoy.

Pangalawa ay ang nanggagalaiting pangyayaring naranasan ng madlang passengers na dumating sa NAIA Terminal 2, last Saturday night fever from abroad.

Ika nga, nakaranas ng matinding init, dalawang oras na paghihintay sa mga bagahe ng ilang Cabinet members ng Malacañang, VIPs at mga foreigners.

Tuloy sumiklab ang galit ng iba sa mga pasahero.

Sabi nga, sinisi ang MIAA management!

The other day ang nangyaring computer glitch naman ng CAAP, ang nagpa-nerbiyos sa madlang people habang nasa ere ang mga eroplano going and coming sa Philippines my Philippines.

Thirty minutes walang pinalipad sa PH airspace pero after this balik normal operations lahat ng flights. Ang problema ng CAAP ay agad nabutas este mali nalutas pala.

Sa kuento ng CAAP, mabilis naman silang nakapagbigay ng advice at nagpalabas agad ng ‘notice to airmen’ o NOTAM dahil sa nakakatakot na karanasang nangyari sa unang pagkakataon sa airspace ng Philippines my Philippines.

Sabi nga, hindi birong problema sa PH airspace!

Nakontrol ang pagbabanggaan ng mga eroplano habang nasa himpapawid sa PH airspace?

Buti na lang at nagka-ganoon!

Sabi nga, kung hindi... ‘Lord,’ patawarin mo ang mga palpak.

Ika nga, laking disgrasiya?

Umaga the other day ito nangyari pero hindi agad ito ibinalita ng CAAP sa mga in-house reporters ng NAIA ang nakakakabang pangyayari.

Bakit kaya?

Mukhang gusto pang itago ang balita?

Naku ha!

Ano ba ito?

‘Kapag tungkol sa pagpapa-guwapo o praise release ng CAAP tulog pa ang mga reporters nasa email na nang mga mamahayag ang mga balita pero kapag critical ang nangyayari parang gusto pang itago ang balita ?’ 

Anyway, buti na lamang at walang sakunang nangyari sa himpapawid dahil sa computer glitch.

Pero hindi dapat ito ipagwalang bahala kailangan itong busisiin para malaman ang dahilan ng kapalpakan.

Abangan.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with