^
EDITORYAL - âKapit sa patalimâang mga guro

EDITORYAL - ‘Kapit sa patalim’ang mga guro

(Pang-masa) - June 4, 2019 - 12:00am

MARAMING problemang kinaharap ang mga estudyante sa unang araw ng pasukan kahapon. Halos magsiksikan sila sa isang classroom, kulang ang upuan at ang iba, nagtitiis magklase sa mga tent gaya ng mga napinsala ng lindol sa Pampanga at iba pang probinsiya sa Central Luzon. Mayroong mga estudyante na nagtiis maglakad sa sira-sira at bahang kalsada, pagtawid sa sirang tulay at sa malakas na agos ng tubig sa ilog, makarating lamang sa kanilang school sa unang araw ng klase. Mahalaga sa mga estudyante ang pag-aaral sapagkat ito ang magdadala sa kanila sa tagumpay.

Pero kung nagtitiis ang mga estudyante, doble rin naman ang pagtitiis na ginagawa ng mga guro. Mayroong mga guro na tumatawid din sa malakas na agos sa ilog, umaakyat ng bundok, naglalakad sa baku-bako, maputik at matinik na daan para lamang makarating sa eskuwelahan na pagtuturuan. Hindi sila sumusuko sa araw-araw na panhik-panaog sa bundok sapagkat nananaig sa kanilang mga puso na maturuan ang mga bata na sumulat at bumasa.

Sa kabila nang kanilang mahirap na propesyon, tila naman hindi naririnig ng pamahalaan ang kanilang hinaing na maitaas ang kanilang suweldo. Ilang taon na nilang inaasam na madagdagan ang kanilang kinikita pero wala pa silang nakikitang liwanag. Ang pagkakait sa kanilang kahilingan ang dahilan kung bakit patuloy silang “kumakapit sa patalim” hanggang sa kasalukuyan. Dahil sa maliit na suweldo, patuloy silang nababaon sa utang.

Noong nangangampanya pa si President Duterte, nangako siya na itataas ang suweldo ng mga guro. Nang manalo siya noong 2016, muli siyang nangako ng increase sa suweldo ng mga guro. Pero hindi iyon natupad at mas naunang pagkalooban ng increase ang mga sundalo at pulis. Naiwan sa ere ang mga guro. Hindi nila malaman kung kailan sasagutin ang kanilang karaingan.

Pakinggan sana ang mga guro. Mahalaga ang kanilang papel sa sambayanan. Kung wala ang mga guro, wala ring mahuhusay na abogado, doctor, scientist, sundalo, pulis at iba pang propesyunal. Lahat sila nagdaan sa guro. Dinggin ang hinaing ng mga “kumakapit sa patalim”.

GURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with