^

Punto Mo

Sino sa dalawa?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG malabong maging Speaker si Leyte Rep. Martin Romualdez kung si Senator-elect Imee Marcos ang tatanungin.

Sabi ni Imee, mahihirapan ang pinsang si Martin dahil halos iilan o hindi madami ang mga nanalong kongresista ng LAKAS  na partido ni Martin.

Ito ay sa kabila ng pag-anunsyo ng kampo ni Romualdez na mayroon na itong nakopong 126 na mga kongresista na susuporta sa kanya sa speakership.

Sinasabi na ang labanan sa speakership ay sa pagitan ng dalawang Alan lang.

Sabi nga, sina Reps. Lord Allan Velasco at Alan Peter Cayetano.

Nakakatiyak dito kung kanino kakampi ang Malacañang siya ang hihiranging Speaker.

Ika nga, malaki ang posibilidad na manalo kahit na sinasabi ni PRRD na ayaw niyang makialam sa usapin ng speakership.

Sinabi rin ni Imee,  kung sino ang kakampihan ni Boss Digong yun ang pinakaposibleng manalo dahil kadalasan sumusunod lamang ang mga kongresista sa nais ng pangulo hindi kagaya sa senado na mayroong sense of independence.

Lalo pang kapana-panabik ang labanan dahil ayon sa mga umuugong na balita, mara-ming mga kongresista na kasapi ng LAKAS at PDP-LABAN ang tatawid sa NUP o National Unity Party dahil mas bongga daw ang samahan ng mga miyembro ng naturang partido kumpara sa iba.

Eh di ba, yung NUP nagpalabas na ng statement noon pa na si Cayetano umano ang kanilang susuportahang speaker.

Abangan.

* * *

I’m sorry -Monreal

Humingi ng sorry sa madlang passengers si Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal sa naranasan pagkairita ng mga ito dahil sa renovations ng NAIA Terminal 2.

The other day, ang mga pasahero ng PAL na dumating sa airport ay nag-antay ng napakatagal dahil dalawa cargo conveyors lamang ang gumagana para makuha ang kanilang bagahe at ang kinakaasar pa nila ay saksakan ng init.

Ipinaliwanag ni Monreal ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng natinding problema sa terminal 2 dahil ang mga gusali sa airport ay ginagawa para maayos.

‘Sana maintindihan tayo ng mga pasahero.’ sabi ni Monreal.

Tiis-tiis lang at kapag natapos ito tiyak malaking ginhawa.

Abangan.

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with