Kaskaserong driver sa Germany, iniligtas ng ‘holy spirit’ sa multa
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 1, 2019 - 12:00am

ISANG kaskaserong driver sa Germany ang nakaligtas sa €105 (katumbas ng P6,100) na multa. Ipinagpapasalamat niya ang pangyayari sa isang puting kalapati.

Kuhang-kuha sa speed camera ang mabilis na pagpapatakbo ng isang driver sa Germany ngunit masuwerte siyang hindi nakuha ng mga awtoridad ang kanyang pagkakakilanlan matapos lumipad sa tapat ng kanyang mukha ang isang puting kalapati.

Tumatakbo sa bilis na 54 kph ang sasakyan ng driver gayong ang speed limit ay 30 kph.

Huling-huli man, ligtas pa rin sa parusa ang driver dahil nagpapataw lamang ng multa sa Germany kung may kasiguraduhan sa pagkakakilanlan ng nagmamaneho ng overspeeding na sasakyan.

Pabiro tuloy na nakala­gay sa police report na ini­ligtas ang lalaki mula sa pagkakamulta ng Holy Spirit – na karaniwang sinisimbolo ng puting kalapati.

Maaring may ipinapahiwatig daw ang banal na espiritu kaya palalampasin daw muna nila ang driver sa ngayon ngunit umaasa silang susunod na siya sa batas trapiko sa susunod, ayon sa mga pulis.

 

GERMANY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with