^

Punto Mo

Free dialysis treatment for the poor

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

IKINATUWA ng madlang ‘poor’ ang panukalang batas na magbibigay ng libreng dialysis treatment para sa mga pasyente dahil inaprubahan na ito sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

Sabi nga, very good!

Walang kumontra na boto na kinatigan ng 177 kongresista.

Aprubado ang House Bill 9156, na naglalayong magbigay ng isang comprehensive renal replacement therapy para sa mga pasyente na may end stage renal disease sa national, regional at provincial government hospital.

Ito rin ay naglalayong taasan ang PhilHealth package rate para sa renal replacement therapy para sa mga miyembro nito.

Sa ilalim ng panukala, ang mga kualipikadong mahihirap na pasyente ay sakop ng isang “ No Balance Billing Policy.’

Nangangailangan din ng mga RRT facilities para sa mga regular organ donation advocacy activities upang turuan ang madlang Pinoy para sa organ donor card.

Kasabay nito, ang panukala ay nagtataas ng Z-benefit package rates ng PhilHealth para sa peritoneal dialysis at hemodialysis pagkatapos ng kidney transplant procedures.

Ang mga Nephrologists, dialysis nurse, dialysis technician at operating room nurses sa parehong peritoneal dialysis at hemodialysis ay kinakailangang sumailalim sa pagsasanay.

Ang PCSO,  ay inuutusan na magbigay ng natitirang sesyon para sa parehong mga peritoneal dialysis at hemodialysis matapos gamitin ng pasyente ang kanyang mga benefit package mula sa PhilHealth.

Ikinatuwa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, isa sa mga principal authors ng panukala, tinatanggap nito ang final approval ng bill.

“Naniniwala kami na ang pagpasa ng House Bill 9156, ay Kumikilala ang dalawang bagay: isa, ang kalusugan ay isang bagay na ang mga ordinaryong Pilipino ay ‘can’t afford,’ at ang gobyerno ay scrimping sa health budget sa kabila ng gipit na kailangan ng ating mga kababayan.’ banat ni Zarate.

Nananawagan si Zarate,sa agarang pagpasa ng counterpart Senate bill na ito sa gayon ay maaari itong gawing batas ang sa lalong madaling panahon dahil ang pamahalaan ay dapat aksyunan ang lumalalang renal diseases sa Philippines my Philippines dahil na rin sa paglala ng kahirapan.

vuukle comment

LIBRENG DIALYSIS TREATMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with