^

Punto Mo

Ang resolution ni Sen. Hontiveros

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

ISANG senate resolution ang inihahanda ni Senator Risa Hontiveros para muling pasabugin ang anomalyang ginawa ng mga kurap immigration official na kumita ng billion of peso sa pag-iisyu ng mga ‘special working visa,’ 9G working visa o temporary visa at visa upon arrival.

Sa pangyayaring ito ay dumami ang mga banyaga sa Philippines my Philippines tulad ng mga Chinese nationals na nagta-trabaho sa ilang piling lugar sa Metro - Manila  at probinsiya kaya tuloy ang madlang Pinoy workers ay hirap humanap ng kanilang trabaho sa Philippnes my Philippines.

Huhukayin ni Senator Hontiveros ang umano’y anomalya para malaman ang lawak ng corruption sa BI kung mayroon man tungkol sa isyu ng bigayan blues ng mga special working visa sa Bureau of Immigration at Alien Employment Permit mula sa DOLE?

Dapat lang!

Bakit?

Nilumot ang pagbusisi rito kamakailan.

Sabi nga, nahinto!

Hindi birong isyu ito kaya kailangang maburiki nang husto habang mainit pa ang sabaw este mali usapin baka kasi magbitiw ang mga tirador dito at walang mapala ang gobierno sa isyu ng pagdami sa mga diumano’y illegal Chinese workers.

Nganga ang mga kurap na gumagawa ng kababalaghan sa Bureau of Immigration kung mayroon man lalo’t sa pagbigay ng mga special working visa, 9G working visa o temporary visa - visa upon arrival ?

Kinalkal ng ilang Senador ang tungkol sa isyu ng  pagdami ng mga Chinese illegal workers sa atin.  

Ang DOLE officials, ay binuriki din ng mga Senador para alamin kung may magik na nangyari sa isyuhan ng ‘Alien Employment  Permit ?’

Nalaman na dalawa sa tatlong immigration officials na nakatalaga sa SM Aura ang inalis pero ang isa ay inilipat lang sa Commissioner’s office  at pakuyakoy-kuyakoy doon.

Ang tatlong nasa SM Aura BI officials ay binanggit sa diumano’y anomalya sa pagbibigay ng mga special working visa  sa mga banyaga .

Kung ano ang nangyari sa imbestigasyon yan ang problema dahil mukhang na whitewash ?

Naku ha 1

Totoo kaya ito ?

Kaya dapat lang kalkalin ito ulit ni Hontiveros para malaman ang lalim ng nangyari noon nandodoon ang tatlong ito sa SM Aura.

Ang isa nga palang lady immigration officer sa SM North ay isinama sa dalawang na tinanggal sa puesto.

Dapat isalang ni Hontiveros ang mga sinasabing nasangkot sa anomalya para magkaalaman kung ano ang totoo at maglabasan ang mga baho para malaman pa kung sinu-sino ang mga kasamahan nila ?

Abangan.

vuukle comment

RISA HONTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with