^

Punto Mo

Walang hanggang pag-ibig

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG araw, nakatanggap ng napakagandang flower bouquet si Lou. May kasama itong maikling liham na nagsasaad ng ganito:

“Ang pagmamahal ko sa iyo ay matatapos lamang sa araw na malanta ang pinakahuling bulaklak na kasama sa flower bouquet na ito.”

Wedding anniversary nilang mag-asawa nang araw na iyon pero nasa abroad ang mister niya. Nagtatrabaho ito sa Canada. Nag-isip si Lou. “Ano kaya ang ibig sabihin ng liham na iyon?”

Para magtagal ang fresh flower, inilagay niya ang bouquet sa flower vase na may tubig na may kahalong aspirin at ilang patak na clorox bleach para hindi magka-molds ang stem ng mga bulaklak. Ngunit lahat ng bagay ay may katapusan. Isa-isang nalanta ang bawat tangkay ng bulaklak. Nang isa na lang bulaklak ang natitirang nakatayo at tila walang balak malanta, saka lang natitigan ni Lou ang kaisa-isang bulaklak. Artificial pala ito pero hindi halata dahil perfect ang pagkakagawa nito at pagkakamalang tunay.

Matatapos lamang ang pagmamahal sa kanya ni Mister kapag nalanta ang pinakahuling bulaklak. Artificial flower…so hindi malalanta kahit kailan ang pagmamahal nito sa kanya. Ibig sabihin, walang hanggan ang pag-ibig ni Mister.

vuukle comment

PAG-IBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with