^

Punto Mo

Mga bataan ni mayor-elect Isko, pitsa rin ang lakad?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SA Hulyo 1 pa uupo si Manila mayor-elect Isko Moreno subalit ngayon pa lang, may kalalakihan nang nag-iikot para alamin ang “figure” ng parating sa dating bagman ni incumbent Mayor Joseph “Erap” Estrada, na si Dennis Alcoreza. Si Alcoreza, hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ay hindi lang sa towing luminya kundi maging sa organized vending sa lahat ng sulok ng Maynila at milyones ang kinita at ewan kung alam ito ni Erap. Subalit hindi na mahagilap si Alcoreza at kung si kosang Ric Reyes ang tatanungin, nagtatago na ito sa USA. At dahil walang matanong ukol sa pitsa na parating kay Alcoreza, nag-iikot ang mga kalalakihan, na gamit ang pangalan ni Isko, para malaman nila ang magiging pitsa nila sa Hulyo. Araguuyyy! Hindi lang ‘yan! Nag-aagawan din ang mga kaalyado ni Isko na mga pulis sa Manila Police District (MPD) kung sino ang papalit kay Lt. Col. Jack Tuliao, hepe ng Manila City Hall detachment. Kung magbukas ng bunganga si Isko matapos ilampaso si Erap, akala mo hulog siya ng langit dahil puro kaayusan ang plano niya tulad ng P1,000 allowance sa college, P500 allowance sa senior citizens, pagbaba ng realty tax at iba pa. Subalit sa kalye pala, may ibang pinagkakaabalahan ang mga bataan niya at yun nga ay ang pitsa. Kung itong pag-iikot ng mga bataan ni Isko ang gagawing basehan, halos wala rin pala siyang ipinagkaiba kay Erap. Araguuyyy! Hak hak hak! ‘Wag nating kalimutan na si Isko at tulad din ni Erap na artista kaya may posibilidad na bola-bola kamatis lang ang lumalabas sa bunganga niya! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba kosang Rey Galupo! Tumpak!

May katwiran palang magtago si Alcoreza dahil nabisto siya ng kampo ni Erap na nag-solicit gamit ang pangalan niya nitong bago mag-election. Ang nalaman ni Erap ay aabot sa daang milyon ang nakulimbat ni Alcoreza sa parking ng MTPB, kasama na ang organized vending na hindi dumaan sa palad ng una. Araguuyyy! Hindi lang ‘yan! May na-solicit din si Alcoreza na halos P50 milyon para isulong ang kandidatura ni Erap subalit imbes na ipamigay sa mga botante ay ibinulsa niya ito, ayon sa mga kosa ko sa City Hall. Kaya bago mag-election, bumili pa ng Land Cruiser at Ford Raptor si Alcoreza, na kumikita rin sa mini casino n’ya sa Vitas, Tondo kung saan malakasan ang larong sabong, cara y cruz at online sabong. Get’s n’yo mga kosa?  At higit sa lahat, nagpalit din ng celfon number si Alcoreza at hindi na siya matawagan o nagpakita man lang kay Erap na nalansi niya nang husto. Kung tutuusin, baka mas mayaman na sa ngayon si Alcoreza kaysa mga anak ni Erap dahil malaki ang ganansiya niya gamit ang pangalan ng pobreng mayor. Hak hak hak! Pinagpala talaga ang «animal», ang pahaging ng isang kosa ko kay Alcoreza.

Dahil nabukulan siya, tinanggal ni Erap si Alcoreza subalit kung si kosang Recto Mercene ang tatanungin, “Too late kahit tanggalin, milyonaryo na ang animal na ‘yan! Hak hak hak! Sino kaya ang papapel na Alcoreza sa liderato ni Isko? Sino ang manok mo kosang Pat Santos? Abangan!

vuukle comment

ISKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with