^

Punto Mo

Sugar Mommy (34)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HUWAG na Jane. Magko-commute na lang ako. Mas kailangan mo ang sasakyan dahil nag-iisa ka lang,’’ sabi ni Jericho nang ipagpilitan ni Jane na gamitin nito ang sasakyan sa pag-uwi.

‘‘Pero baka mahirapan kang sumakay. Tiyak na agawan sa sasakyan dahil rush hour at umulan pa.’’

“Sanay akong makipag-agawan sa dyipni o bus. Huwag mo akong alalahanin at kayang-kaya ko Jane.’’

“Inaalala ko lang naman na baka abutin ka ng gabi sa paghihintay ng masasak-yan. Ayaw mo kasing dito matulog. Para makapagkuwentuhan pa tayo nang matagal.’’

“Sa ibang araw na lang.’’

‘‘Dalawin mo ako rito please…’’

“Oo. Sige Jane aalis na ako.’’

Lumabas siya ng pinto.

Inihatid siya ni Jane sa gate.

Tumigil na nga ang ulan at maliwanag na ang kalangitan. Pasado alas singko na.

“Aalis na ako. Salamat, Jane.’’

“Bye Jericho, mag-ingat ka. Deretsuhin mo lang ang kalyeng yan at EDSA na. May hintayan ng dyipni at bus sa tapat ng SM.’’

Umalis na si Jericho. Dineretso ang kalsadang sinabi ni Jane.

Nakita niya ang paradahan ng dyipni sa harapan ng mall. Madali siyang nakasakay. Bago pa lang nagdadagsaan ang mga pasahero.

Habang nakasakay, inii-sip niya si Jane. Napakabait ni Jane. Bakit kaya siya ang napiling maging kaibigan nito? Bakit hindi sa kasing-age niya? Siguro ay nababaitan nga sa kanya si Jane. Nagtitiwala. Kung hindi nagtitiwala sa kanya, isinama pa siya sa bahay at gusto pang patu-lugin doon.

Ang ikinatatakot nga lang niya, baka aksidenteng makita sila ng asawa ni Jane. Kahit matagal nang hiwalay, kasal pa rin sila at hindi niya alam kung ano ang magiging takbo ng isip ng asawa ni Jane kapag may nakitang kasamang ibang lalaki ang asawsa. Marami na siyang nabasang balita na napatay ng lalaki ang kasama ng asawa.

Ayaw niyang mangyari ang ganun sa kanya kaya nag-iingat siya.

Pero maiiwasan pa kaya niya si Jane at matatanggihan ba niya ang babaing super bait sa kanya?

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with