^

Punto Mo

Mga hindi nagsasauli ng mga nawawalang gamit, maaring maharap sa kasong theft

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Isa po akong college student sa Maynila. Isang araw ay aksidenteng naiwan ko ang aking laptop sa aming classroom. Ilang linggo ko rin itong hinanap bago ko napansing dala-dala ito ng isa sa aking mga kaklase sa loob ng kanyang bag. Kinausap ko ang nasabing kaklase ngunit itinanggi niyang iyon ang laptop kong nawawala.

Sigurado po ako na akin ang dala-dala niyang laptop.  Ano po ba ang maari kong isampang kaso sa kaklase kong ayaw magbalik ng nawala kong gamit? -- Marilyn

Dear Marilyn,

Kung sigurado ka na iyon nga ang nawawala mong laptop ay maaring maharap sa kasong theft o pagnanakaw ang iyong kaklase kahit na aksidenteng napulot lang niya ito matapos mong maiwan sa inyong classroom.

Pinarurusahan sa ilalim ng Article 308 ng ating Revised Penal Code hindi lamang ang mga kumukuha ng isang bagay na hindi naman nila pag-aari. Matatawag din na pagnanakaw sa ilalim ng Article 308 ang hindi pagsasauli sa may-ari o sa mga kinauukulan ng isang bagay na nawala.

Kung alam ng iyong kaklase na ikaw ang nagmamay-ari ng laptop, dapat agad niya itong ibinalik sa iyo. Kung wala naman siyang kaalam-alam kung sino ang nagmamay-ari ng laptop, dapat niya itong i-deposit sa lokal na pamahalaan alinsunod sa Article 719 ng Civil Code.

Ayon sa nasabing probisyon, dapat i-deposit ang isang bagay na nawawala sa panganga­laga ng mayor ng siyudad o munisipyo kung saan ito natagpuan kung hindi alam ng “finder” o ng nakapulot kung sino ang nagmamay-ari nito. May responsibilidad naman ang mayor na ipagbigay-alam sa publiko ang nawawalang gamit na nasa kanyang pangangalaga.

Maari lamang mapasakamay ng nakapulot ang bagay na kanyang nahanap kung matapos ang anim na buwan ay wala pa ring lumilitaw na may-ari upang bawiin ito mula sa pangangalaga ng mayor.

Bagama’t makaluma na ang probisyong ito ng Civil Code, may bisa pa rin ito kaya base sa mga nabanggit ay maari mong sampahan ng kasong pagnanakaw ang iyong kaklase dahil sa hindi niya pagsauli sa iyo ng laptop na kanyang natagpuan.

Nawa’y nasagot ko ng lubos ang iyong katanungan. Paalala lamang na ang payong legal na nakasaad dito ay base lamang sa mga impormasyong iyong inilahad kaya maaring mag-iba ito sakaling may ilang mahahalagang bagay ka na  hindi nabanggit.

vuukle comment

THEFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with