^

Punto Mo

Lalaking bulag at bingi, nakakita at nakarinig matapos tamaan ng kidlat!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 62-anyos na lalaking bulag at bingi sa Maine, USA ang himalang nakakita at nakarinig matapos tamaan ng kidlat malapit sa kanyang tahanan.

Ang lalaki ay si Edwin Robinson. Nabulag at nabingi siya dahil sa isang aksidente kung saan nagtamo siya ng pinsala sa ulo.

Nang araw na tamaan siya ng kidlat ay lumabas siya ng bahay upang hanapin ang kanyang alagang manok. Dahil bulag, ang kanyang aluminum na tungkod lamang ang ginagamit niyang pangkapa sa nilalakaran. Nagkataon namang may bagyo nang araw na iyon. Malalakas at matatalim ang pagkulog at pagkidlat.

Walang nakapagsabi kay Edwin na delikadong lumabas ng bahay at lumapit sa matataas na bagay kapag kumukulog at kumikidlat. Sa halip na bumalik sa loob ng kanyang bahay, nagpunta siya sa isang kalapit na puno upang sumilong.

Dahil sa paglapit sa puno at mayroon pang aluminum na tungkod, tinamaan siya ng kidlat. Natanggal ang kanyang hearing aid dahil sa lakas ng puwersa ng kuryenteng tumama sa kanya. Nawalan siya ng malay sa loob ng 20 minuto.

Nang magkamalay, pumasok siya ng bahay at natulog dahil sa sakit ng katawan na inabot mula sa pangyayari.

Natuklasan ni Edwin ang milagrong nangyari sa kanya kinabukasan pagkagising niya. Sa halip na kadiliman ang kanyang nakita, pagmulat niya ay liwanag ang bumulaga sa kanya. Nakikita na niya ulit ang paligid. Tuwang-tuwa niya itong ibinalita sa kanyang asawa. Nagulat ang kanyang asawa dahil nakakapagsalita na siya nang maayos at hindi na gumagamit ng hearing aid.

Ikinonsulta nila sa doktor ang “himalang” paggaling ni Edwin mula sa kanyang mga kapansanan. Kinumpirma ng doktor na totoong nagamot ang mga kapansanan ni Edwin.

Ayon sa doktor, maaring bumalik ang paningin at pandinig ni Edwin dahil sa trauma na dulot ng pagtama sa kanya ng kidlat. Ang nasabing trauma ay hindi naiiba sa trauma na natamo mula sa aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag at pagkabingi kaya ang pagkakaroon ng katulad na trauma sa pangalawang pagkakataon ang maaring nagpabalik sa nawalang paningin at pandinig ni Edwin.

vuukle comment

KIDLAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with