^

Punto Mo

Sugar Mommy (33)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SIGE na, Jericho, dito ka na muna magpa­lipas ng gabi. Delikadong lumabas kapag umuulan. Baka baha na ang dadaanan mo,” sabi ni Jane.

“Maaga pa naman.’’

“Kahit na, delikadong lumabas kapag masama ang panahon. Baka may mangyari sa iyo e ako pa ang sisihin.’’

Nag-isip si Jericho. May katwiran si Jane. Baka nga mapahamak siya habang nasa daan. Pero nahihiya siya na matulog sa bahay ng babae. At isa pa, hiwalay sa asawa si Jane. Baka pagmulan ng gulo kung dito siya matutulog. Marami na siyang nabasang balita na kahit matagal nang hiwalay ang mag-asawa, mayroon pa ring natitirang pagmamahal at nakadarama ng pagseselos. Kaya mayroong napapatay. Ayaw niyang mangyari ang ganoon. Nakakahiya kapag nabalita sa diyaryo o radyo na isang lalaki ang napatay ng mister dahil natiyempuhan sa bahay nito. Ayaw niyang mangyari  sa kanya ang ganung trahedya.

“Alam ko ang iniisip mo Jericho. Nag-aalala ka na magtungo rito ang dati kong asawa ano?’’
Tumango si Jericho.

“Don’t worry. Wala na kaming pakialaman ng lalaking iyon. Isa pa, hindi naman niya alam ang bahay na ito.’’

“Nag-iingat lang ako Jane. Ayaw kong masangkot sa anumang kontrobersiya.’’

“I know, Jericho.’’

Maya-maya biglang tumi-gil ang ulan. Nagliwanag ang paligid. Pasado alas singko na ng hapon.

“Tumigil na ang ulan, Jane. Puwede na akong umuwi.’’

Nakangiti lang si Jane.

“Hindi ka talaga mapigilan,’’ sabi nito.

“Wala na namang ulan. Aalis na ako Jane.’’

“Dalhin mo ang sasak-yan, Jericho. Baka mahirap sumakay!”

Nag-isip si Jericho sa alok ni Jane. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with