Race for Speakership!
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

DUMADAGUNDONG na ang mga pangalan ng apat na mga kongresista na gustong pumalit kay Speaker GMA sa pagbaba nito sa trono dahil nangangalap na ng mga kakampi sa Mababang Kapulungan ang mga kongresistang sina Alan Cayetano, Martin Romualdez, Pantaleon Alvarez at Lord Allan Velasco.

Sabi nga, para sa paramihan ng boto!

Ayon sa mga political observers, isa sa pinakamalapit daw sa mga Duterte ay itong si Lord, lalo na kay Davao Mayor Inday Sara  dahil ipinangalan pa raw nito kay inday Sara ang isa sa mga anak ng kongresista.

Naku ha!

May mga nagtataasan ng kilay kung bakit sobrang close daw ni Lord kay Boss Digong hindi man lang nagawang i-angat si Bong Go sa top 5 sa mga nananalong Senador sa Marinduque .

Bakit kaya?

Naku ha!

Intriga ito?

Sabi nga, mukhang kinulang sa suporta ni Lord si Bong?

Hindi katulad ng naging ranking ni Go sa ibang lugar ng ibang candidates para sa Speakership?

Alam ninyo bang number 1 si Go sa Davao na probinsiya rin ni Alvarez. 

Sa probinsiya ni Romualdez number 3 si Bong at pangatlo rin sa baluarte ni Cayetano sa Taguig.

Ano kaya sa palagay ninyo kaya ba ni Lord na suportahan ang legislative agenda ni Boss Digong sa Kongreso?

Sabi ng mga kritiko, si Go nga ay hindi nakayang gawin top 5 ni Lord sa Marinduque kaya duda sila rito?

Ika nga, ang importante ay nanalo. Hehehe!

Sino ba ang sinuportahan ni Lord noong 2016 Presidential election... si Boss Digong ba o si Grace Poe?

May mga nagtatanong kung may nagawa ba sa bayan si Lord hindi lang kay Boss Digong?

Ano sa palagay ninyo?

Hindi katulad nina Alan at Bebot sa loob ng halos dalawang taon ay tumutulong sa mga adhikain ni Boss Digong para sa madlang people ng Philippines my Philippines!

Sino ang matataguyod at ipaglalaban ang legislative agenda ni Boss Digong dahil tatlong taon na lamang ang natitira ay marami pang mga panukalang batas ang dapat gawin para sa campaign promise ng pangulo para sa bayan? Abangan.

 

RACE FOR SPEAKERSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with