^

Punto Mo

EDITORYAL - Dami nang sinibak pero dami pa ring korap

Pang-masa
EDITORYAL - Dami nang sinibak pero dami pa ring korap

MARAMI nang sinibak na government officials si President Duterte mula nang maupo noong 2016. Halos lahat ay may bahid ng korapsiyon kaya niya sinibak. Ang ilan ay kusa nang nagbitiw para hindi na ipahiya pa ng Presidente. Noong nakaraang taon, nagbitiw sina Tourism Sec. Wanda Teo, Justice Sec. Vitaliano Aguirre at Labor Sec. Dominador Say.

Nagbitiw si Teo dahil sa P60-million ad deal sa pagitan ng DOT at People’s Television. Nagbitiw naman si Aguirre dahil sa kontrobersiya ng pagkakaabsuwelto ng confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at si Say dahil sa isyu ng contractualization o “endo”.

Pinakamaraming sinibak noong 2017 dahil din sa isyu ng corruption. Kabilang sa mga sinibak si DILG Sec. Ismael Sueno, Usec. Halmen Valdez, Peter Laviña ng National Irrigation Administration (NIA), Jose Gabriel La Viña ng SSS, Nicanor Faeldon ng Bureau of Customs at marami pang iba.

Ilan sa mga nabanggit ang ibinalik naman niya sa puwesto gaya ni La Viña na Usec ngayon ng Department of Tourism at Faeldon na chief ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nang dumalaw sa China ang Presidente dalawang linggo na ang nakararaan, sinabi niya na may sisibakin siyang isang mataas na opisyal. Hindi siya nagbanggit ng pangalan. Noong nakaraang linggo, isang araw makaraan ang election, inihayag ng Malacañang na sinisibak na sa puwesto ang Food and Drug Administration (FDA) chief na si Nela Charade Puno dahil sa isyu ng corruption. Mariin namang tinanggi ng dating FDA chief ang akusasyon ng corruption at handa umano siyang humarap sa imbestigasyon.

Noong 2016 na umupo sa puwesto ang Presidente, nagbabala na siya sa mga taong gobyerno. Basta raw may maamoy siyang singaw ng korapsiyon sa alinmang tanggapan ng gobyerno, sisibakin agad niya. Wala na raw tanung-tanong pa.

Kahanga-hanga ang mabilis na pag-aksiyon ng Presidente sa mga gumagawa ng katiwalian, lalo pa nga sa FDA na ang pangunahing tungkulin ay tiyakin ang kaligtasan ng pagkain at gamot para sa publiko. Kapag nagkaroon ng “lagayan” sa ahensiyang ito, maraming papalpak na gamot at pagkain at ang publiko ang labis na apektado. Mas mainam din naman kung kakasuhan ang mga opisyal na naaakusahan ng katiwalian at hindi lang basta inaalis sa puwesto.

vuukle comment

KORAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with