^

Punto Mo

Sugar Mommy (31)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BUKSAN mo ang TV, Jericho para hindi ka mainip,” sabi ni Jane at saka ipinagpatuloy ang pagluluto.

“Okey lang ako Jane. Sige lang ituloy mo ang pagluluto.’’

Hindi binuksan ni Jericho ang TV at sa halip ay pinagmasdan ang mga naka-frame na picture na naka-display malapit sa may pinto. Picture ni Jane at isang babae na hula ni Jericho ay anak nito. Maganda ang babae na kahawig ni Jane. Ito siguro ang kaisa-isang anak na nasa ibang bansa na at doon namumuhay. Baka roon na raw magkaroon ng pamilya sabi pa ni Jane.

Isa pang retrato ay nang mag-graduate ang anak. Magkasama rin ang dalawa. Maganda ang pagkakakuha ng picture sapagkat na-capture ang masayang tagpo ng graduation. Nabanggit ni Jane na sa UP yata nagtapos ang anak.

Maayos ang bahay. Pero halatang malungkot ang kapaligiran. Paano kaya ang ginagawa ni Jane kapag nag-iisa rito. Dapat mayroon siyang kasamang maid dito. Nag-asawa na raw kasi ang maid at wala nang balak na kumuha pa dahil nag-iisa naman sa bahay.

Dumungaw sa bintana si Jericho. Malawak pa pala ang tagiliran ng bahay. Maraming namumulaklak na halaman. Siguro, libangan ni Jane ang gardening.

‘‘Jericho!’’

Nagulat siya sa tawag ni Jane.

‘‘Halika na. Lunch na tayo.’’

Sumunod siya kay Jane sa dining room.

Nakita niya sa mesa ang ilang putahe.

‘‘Ang dami mong niluto.’’

‘‘Para may pagpilian ka.’’

Iniabot ni Jane ang kanin kay Jericho. Sunod ang ulam.

Nagsimula silang kumain.

“Damihan mo ang kain.’’

“Oo.’’

“Tikman mo nga kung masarap.’’

Tinikman ni Jericho.

“Ang sarap!’’

‘‘Thanks. Kain na tayo.’’

Nagsimula silang kumain.

Hindi alam ni Jericho ang sasabihin kay Jane ngayong silang dalawa lang ang magkasama sa bahay.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with