‘Weird Facts’
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

• Malalaman mo kung nanaginip ka o hindi sa pamamagitan ng paghahanap ng relo sa paligid. Ang relo ay hindi nakikita sa panaginip.

• Mga 99 percent ng mga tao ay nakadarama ng pag-aalala kapag tinanong sila ng: Puwedeng magtanong ako sa iyo?

• Dapat tandaan ng isang babaeng mahilig magsabi ng Maraming lalaki ang humahabol sa akin: Mas hinahabol ng kostumers ang produktong ipinagba-bargain na o ipinagmumurahan na.

• Nagbabago ang pitch ng ating boses kung may gusto tayo sa taong ating kausap.

• Base sa psychological facts, kaya tayo ay hindi makatulog minsan, tayo pala ay gising sa panaginip ng isang taong may crush sa atin.

• Kung may malinaw kang explanation kung bakit “like” mo ang isang tao, crush ang nadadama mo sa kanya. Ngunit kung walang malinaw na dahilan kung bakit “like” mo siya, malamang na love na ‘yun.

• Ang mga babae ay nakadarama ng pag-ibig sa loob ng 15 days. Pero ang mga lalaki ay puwedeng mapaibig sa loob lang ng 8.2 seconds.

• Kapag ang iniibig mo ay umiibig din sa iyo, ang resulta ay magiging mabilis ang paghilom ng lahat ng klase ng sugat sa katawan. Kapag in love ang isang tao, naglalabas siya ng oxytocin sa kanyang dugo. Ang oxytocin ay love drug na nagpapabilis ng paghilom ng pisikal na sugat..

PSYCHOLOGICAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with