Sugar Mommy (29)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

“MALAPIT ba sa SM North Edsa?’’ tanong ni Jericho.

“Oo. Sa likod ng SM. Malapit sa simbahan,’’ sagot ni Jane.

“Ituro mo kung saan tayo daraan hindi pa ako nakakadaan sa lugar na yun.’’

“Sige. Kung gusto mo ako nang magda-drive.’’

“Ako na lang.’

Nagpatuloy sa pagda-drive si Jericho. Nasa Cubao na sila. Walang gaanong trapik. Mag-aala-una ng hapon.

“Sinong kasama mo sa bahay, Jane?’’

“Ako nga lang.’’
“Maid?’’

“Wala. Dati may maid ako pero nag-asawa na. Umuwi na sa probinsiya. Sayang nga dahil mapagkakatiwalaan. Pero wala akong magawa dahil karapatan naman niyang mag-asawa. Noong isang taon lang siya umalis. Ako pa nga ang ninang.’’

“Bakit hindi ka kumuha ng ibang maid?’’

“Hindi na. Nag-iisa lang naman ako. Ang damit ko, pinala-laundry ko na lang.’’

“Paano ang pagluluto at paglilinis ng bahay?’’
“Ako ang nagluluto at naglilinis.’’

“Hindi ka ba nagwo-work?’’

“Hindi na. Dati nasa isang malaking kompanya ako pero nag-retire na ako. Meron akong mina-manage na maliit na negosyo riyan sa may West Avenue. Parang libangan ko na lang yun. Pampalipas ng oras.’’

Malapit na sila sa flyover sa Quezon Ave. Walang trapik.

Pagbaba sa flyover, natanaw nila ang Landmark at pagkaraa’y ang SM North.

“Ikanan mo sa North Avenue, Jericho.’’

Ginawa ni Jericho.

“Ikaliwa mo riyan. Papasok tayo sa SM at lalabas dun sa eskinitang yun.’’

“Ngayon lang ako nakapasok dito.’’

“Sige sundan mo ang kotseng yun. Palabas na tayo sa SM. Malapit na tayo sa simbahan.’’

Hanggang sa makalabas sila sa SM. Nakita ni Jericho ang simbahan.

“Ikaliwa mo.’’

Ginawa ni Jericho. Isang malinis na kalye ang narating nila.

“Diyan tayo sa kalye na ‘yan.’’

Hanggang sa humantong sila sa isang bungalow.

“’Yan ang bahay ko.’’

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with