EDITORYAL - Siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero ng LRT
(Pang-masa) - May 21, 2019 - 12:00am

NGAYON lang daw nangyari ang banggaan ng parehong train, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA). Sa loob daw ng 16 na taon mula nang mag-operate ang LRT-2, ngayon lang nagkaroon ng aksidente at tinawag itong “isolated case”. Ligtas pa rin umanong sumakay sa LRT-2 at huwag daw matakot ang mamamayan. Nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang LRTA sa nangyari at nangangako ang pamunuan na hindi na ito mauulit.

Nagbanggaan ang dalawang train noong Saba- do ng gabi sa pagitan ng Anonas at Cubao Stations. Sa lakas ng banggaan, 34 na pasahero ang nasaktan. Isang pasahero ang kailangang operahan sapagkat napinsala ang panga. Karamihan sa mga nasaktan ay mga bata.

Ayon sa isang opisyal ng Department of Transportation (DoTr), kusang umandar ang naka-parked na train sa pocket track na malapit sa Anonas Station at tuluy-tuloy ito patungo sa direksiyon ng Cubao. Nang mga sandaling iyon, paparating naman ang isang train na galing Cubao Station na punumpuno ng pasahero.

Nagbabala na umano ang control center sa driver ng train na nagmula sa Cubao Station na mayroong paparating na train at nasa parehong track. Kailangang magsagawa ng full stop ang train bago pa bumangga ang train na galing sa Anonas Station. Subalit nagkabanggaan pa rin ang dalawang train at sa lakas ng banggaan, may mga parts ng parehong train ang nawasak.

Reklamo ng mga pasahero walang nagsabi sa kanila ng mga gagawin nang magbanggaan na. Namatay ang ilaw kaya nahirapan silang kumilos. Marami sa kanila ang labis na natakot sa pangyayari sapagkat parang hinintay na lamang ang pagbangga sa kasalubong na train.

Masusing imbestigasyon ang nararapat sa aksi-denteng ito. Bakit umandar nang kusa ang train na nasa pocket track? Sino ang empleyado na nakasakay sa naka-park na train at bakit siya naroon nang maganap ang pag-andar. Bakit hindi niya nagawang pigilin ang pag-andar ng train?

Dapat malaman ang katotohanan sa insidenteng ito at siguruhin ng LRTA na hindi na ito mauulit.

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with