EDITORYAL - Pauwiin na ang Pinay DHs sa Kuwait!
(Pang-masa) - May 20, 2019 - 12:00am

NOONG nakaraang taon, lumagda ang Kuwait sa isang kasunduan sa Pilipinas na puprotektahan nila ang OFWs sa kanilang bansa. Ang pangakong iyon ang naging daan para alisin ang deployment ng workers doon. Pero ngayon, tila nawala na ang sinabi ng Kuwait government sapagkat, meron na namang pinatay na Pinay domestic helper doon noong nakaraang Martes.

Ang pinatay ay nakilalang si Constancia Dayag, 47, taga-Isabela. Patay na nang dalhin sa ospital si Dayag dahil sa rami ng pasa sa buong katawan at may hematoma at ang kahindik-hindik pang nadiskubre sa katawan ng Pinay, may nakapasak na pipino (cucumber) sa ari nito. Inaalam pa kung ginahasa ang kawawang Pinay.

Noong nakaraang taon, pinatay din ng kanyang amo si Joanna Daniella Demafelis, taga-Iloilo. Natagpuan ang bangkay ni Demafelis sa isang freezer sa abandonadong apartment sa Kuwait. Pinatay siya sa sakal ng mga amo nitong Lebanese.

Dahil sa pangyayari, ipinag-utos ni President Duterte sa Department of Labor and Employment (DOLE) na itigil ang pagpapadala ng domestic helper sa Kuwait. Nahuli ang mga pumatay at nangako ang Kuwait sa Pilipinas na puproteksiyunan ang mga OFW doon.

Mula 2016 hanggang 2018, umabot na sa 196 overseas Pinoy workers sa Kuwait ang namatay at karamihan sa mga ito ay domestic helpers. Sa report ng DOLE, umaabot sa 180,000 ang OFWs sa Kuwait na binubuo ng domestic helpers, nurse, engineers, at iba pang skilled workers.

Nang magtalumpati ang Presidente noong nakaraang taon makaraang malaman ang nangyari kay Demafelis, sinabi nito na ano ba ang kasalanan ng mga Pinoy at ganito ang ginagawa ng mga Kuwaiti. Anong values mayroon daw ang mga Kuwaiti at minamaltrato ang Pinoy workers. Nawawalan na umano ng dignidad ang mga Pilipino sa ginagawang ito ng mga Kuwaiti.

Lubhang kawawa na ang mga Pinay DH sa Kuwait. Dapat ipatigil nang tuluyan ni President Duterte ang pagpapadala ng domestic helpers sa nasabing bansa. Hindi kayang proteksiyunan ng Kuwait government ang mga Pinay workers. Kapag hindi pa ito ginawa ng Presidente, darami pa ang mga Pinay na ginagahasa at pinapatay sa Saudi. Nararapat na kumilos ang pamahalaan ukol dito.

 

PINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with