^

Punto Mo

Pinakamahal na kape sa mundo, $75 kada tasa!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG café sa California ang nagbebenta ng sinasabing pinakamahal na kape sa mundo sa presyo nitong $75 (halos P4,000) kada tasa.

Eksklusibong ipinagbebenta ng Klatch Coffee ang kape na kung tawagin ay Elida Natural Geisha 803 sa mga bran-ches nito sa Southern California at San Francisco.

Ang 803 sa pangalan ng kape ay mula sa $803 (katumbas ng P42,000) na presyo nito kada pound.

Lumobo ang presyo ng kape matapos nitong mapanalunan ang Best of Panama coffee competition, na ayon sa may-ari ng Klatch Coffee na si Bo Thiara ay katumbas ng Oscars sa industriya ng kape.

Tanging 100 pounds (45 kilograms) lamang ng kape ang ipinagbenta  at halos lahat ito ay napunta sa Japan, China at Taiwan, ayon kay Thiara. Ten pounds (4.5 kilograms) lamang ang nagawang mabili ng Klatch, na tanging coffee chain sa North America na nagbebenta ng napakamahal na uri ng kape.

Ayon sa Klatch, may pagka-floral na tsaa na kaunting lasa ng jasmine at berries ang kape. Ang 10 pounds na kanilang nabili ay makakagawa ng humigit-kumulang 80 tasa ng kape, ayon kay Thiara.

vuukle comment

KAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with