Gold nugget na nagkakahalaga ng $35,000, natagpuan ng pamilyahabang ipinapasyal ang aso
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

ISANG pamilya sa Australia ang ngayo’y mas mayaman na ng $35,000 (katumbas ng P1.2 milyon) matapos nilang matagpuan ang isang piraso ng ginto na sinlaki ng palad ng tao habang ipinapasyal ang kanilang aso noong Mother’s Day.

Natagpuan ng lalaki at ng dalawa niyang anak na babae ang 20-ounce na gold nugget habang inililibot ang kanilang family dog na nagkataon namang may pangalang Lucky.

Kung ang aso nilang si Lucky ang nagdulot ng suwerte, ang isa naman sa mga anak na babae ang siya mismong nakatisod sa piraso ng ginto habang sila’y naglalakad sa Bendigo, Australia.

Planong ibenta ng ama ang ginto lalo na’t medyo kapos daw sila sa pera ngayon.

Bumalik din ang ama sa lugar kung saan nila natagpuan ang ginto dahil alam niya bilang dating prospector na kapag naka­hanap ka ng isang malaking tipak ng ginto ay siguradong marami pa ang matatagpuang ginto sa lugar.

Hindi naman sinabi ng pamilya kung nakahanap na sila ng bibili sa kanilang natagpuang ginto

MOTHER’S DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with