Sugar Mommy (23)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

“HINDI ko yata kaya Ninong. Ang bait ni Jane. Siguro naghahanap lang siya ng magiging kaibigan,” sabi ni Jericho.

“Ano sa palagay mo at lagi kang nireregaluhan ni Jane?”’

“Nakikipagkaibigan nga, Ninong.’’
“Hindi! May gusto sa iyo yun. Ang isang babae na laging nagreregalo sa isang lalaki, mayroong itinatagong pagmamahal. At para siya mapansin, ­idinadaan nga sa pagreregalo. Kaya kung ako sa’yo, pasukin mo na.”

Napangiti lang si ­Jericho.

Hindi niya kaya ang sinasabi ng kanyang Ninong. Parang hindi kaya ng sikmura niya.

“Subukan mo lang. At tingnan mo at tatama ako sa mga sinasabi ko.’’

Napatango na lang si Jericho.


ISANG araw, biglang dumaan si Jane. Si Jericho lang ang nasa talyer.

Bumaba ito sa sasakyan at kinausap si Jericho.

“May lakad ka ba sa Sunday, Jericho?’’

“Wala. Bakit Jane?’’

“Maari mo ba akong samahan. Pupunta akong Laguna. Wala lang akong makasama at first time ko sa lugar.’’

Bantulot si Jericho. Pero hindi siya nakatanggi.

“Wala akong lakad. Saan ba sa Laguna, Jane?’’
“Sa Los Baños.’’

“Nakarating na ako roon. Sige samahan kita.’’

“Wow, thanks. Daanan kita sa bahay n’yo?’’

Nagulat si Jericho.

“Dito na lang sa tal­yer.’’

“Okey sige.’’

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with