Mabigat na parusa sa barumbadong drivers,napapanahon na!
RESPONDE - Gus Abelgas (Philstar.com) - May 8, 2019 - 12:00am

Panahon na talaga para sa may ngiping batas na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga reckless driver.

Eto na nga’t isinusulong na ito sa senado ni Sen. Koko Pimentel.

Nais ng senador sa kanyang Senate Bill 118 na amyendahan ang Article 365 ng Revised Penal Code para nga patawan nang mas mabigat na parusa ang mga barumbadong tsuper.

Sa rami kasi at pagtaas ng bilang ng nagaganap na aksidente sa daan, marami rito ay dahil sa kapalpakan ng mga nagmamaneho.

Madalas nga lang ginagawang dahilan o itinuturo bilang alibi ang kanilang sasakyan ang nagkadiprensya , yun pala ang driver ang may diprensya.

Marami pa rin ang walang pakialam sa buhay ng kanyang mga sakay, kung humarurot sa lansangan parang nabili na niya ito.

Barumbado talaga, may insidenteng kapag pinansin o sinaway ng pasahero, aba’y siya pa ang galit.

Parang kaya niyang bayaran nang isa ring buhay kung madisgrasya niya ang kanyang mga sakay.

At dahil masyadong maluwag o mahina ang ipinapataw na kaparusahan, kaya patuloy na walang paki ang maraming balatubang driver.

Sa kanyang panukala, nais ni Pimentel na gawing prision correctional mula sa medium hanggang maximum periods ang ipataw na parusa o dalawang taon hanggang labingdalawang taong pagkabilanggo depende sa bigat ng kaso sa mga barumbadong driver.

Sa kasalukuyan kasi ang parusa ay arresto mayor hanggang prision correccional (medium period).

Balak ding itaas ang multa mula sa P200 sa P40,000.

At kung sakaling makakapatay ang isang driver dahil sa kanyang intensiyonal na paggawa ng krimen, nais ni Pimentel na hindi ito mabigyan ng probation.

Makakatulong ang may ‘ngiping batas’ para mabawasan o maibsan ang mga aksidente sa lansangan.

KOKO PIMENTEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with