Sawa na may 3 mata, natagpuan sa Australia
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 5, 2019 - 12:00am

IBINAHAGI ng mga wildlife officials sa Australia sa social media ang litrato ng isang pambihirang sawa na natagpuan ng mga rangers doon.

Nadiskubre kasi ng mga rangers ang isang python na may tatlong mata.

Makikita sa litratong ibinahagi sa Facebook account ng Northern Territory Parks and Wildlife Commission ang kakaibang python na may ikatlong mata sa gitnang bahagi ng ulo nito.

Makikita raw sa x-ray ng python na gumagana ang pangatlong mata nito.

Noong una ay inakala ng mga eksperto na sanhi ng dalawang ulong nagsanib ang pagkakaroon ng ikatlong mata ng python ngunit makikita raw sa x-ray na sadyang may butas ang noo nito para sa ikatlong mata.

Pinangalanang Monty Python  ang sawa, na tinata-yang tatlong buwan na ang edad nang ito’y madiskubre ng mga rangers.

Hindi nagtagal, namatay rin ang sawa.

Ayon sa rangers, mahina na raw ang python nang matagpuan nila. Mahina na raw itong kumain. Hanggang tuluyan nang binawian ng buhay.

 

AUSTRALIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with