DLTB Bus, basahin n’yo ‘to!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 4, 2019 - 12:00am

HINDI porke’t malaki o kilalang kumpanya ang inire-reklamo sa amin, mag-aalangang manghimasok ang BITAG.

Lalo kung ang reklamo’y dahil sa kapabayaan, hindi namin pinapalampas ‘yan. Kailangang managot kung sinuman ang may kasalanan.

Nagsumbong sa aming tanggapan ang mag-asawang na-walan ng bagahe sa sinakyan nilang bus ng DLTB Co. sa Pasay terminal.

Biyaheng Lipa, Batangas ang sinakyan nilang bus noong gabi ng Abril 15. Sa terminal pa lang, inabot na ng pasahero ang kanilang bagahe sa kundoktor para ilagay sa compartment.

Nang makarating na’t bumaba ang mag-asawa sa kanilang destinasyon, nawalang parang bula ang kanilang bagahe sa compartment ng bus.

Naglalaman pa mandin ang bag ng car accessories na gagawin sanang paninda, at iba pang mga personal na gamit na nagkakahalaga ng P40,000.

Nagpa-review ng CCTV footage ang mga nagrereklamo para malaman ang nangyari sa kanilang bag. Sapol sa CCTV, may ibang kumuha ng bagahe sa compartment sa terminal pa lang ng bus.

Pero may magic, mukhang may pinutol na bahagi ng video. ‘Yung kuha ng CCTV nung mga oras na inabot ng pasahero ang kanilang bagahe sa kundoktor at inilagay ito sa compartment ng bus, hindi na nakita sa CCTV ng DLTB Co.

Tumatakas yata ang mga kolokoy sa kanilang liability. Ayaw ipakita ang kabuuang recording ng CCTV para magkaalaman kung sino talaga ang nagpabaya.

Ang mga pobreng nawalan ng halos singkuwenta mil na halaga ng mga bagahe, pinaasa, pinapabalik-balik lang ng pamunuan ng DLTB Co.

Sinubukang tawagan ng BITAG ang inirereklamong bus company para hingin ang kanilang pahayag pero umurong yata ang mga bombolyas at ayaw kaming kausapin sa telepono.

DLTB Co., pag kami’y tumawag sa inyo, ibig sabihin ay ipinagkakaloob namin ang inyong karapatan na marinig at makuha ang inyong panig.

Kung kayo’y iilag sa amin, lalo namin kayong bubuwisitin. Ibang magtrabaho ang BITAG, puwede kayong umilag pero hindi kayo makakapagtago.

Di lang dito natatapos ang hakbang namin sa kasong ito. Gusto rin naming makita ang kabuuan ng CCTV footage na tinatago n’yo dahil hindi maglalahong parang bula ang mga bagaheng pinagkatiwala ng pasahero sa bus n’yo.

Tandaan n’yong kaakibat ng prankisang ipinagkaloob sa inyo ng gobyerno ay responsibilidad at pananagutan sa kaligtasan at kapakanan ng inyong mga pasahero.

Hindi palalampasin ng BITAG ang pagwawalambahala n’yo sa mga biktima.

DLTB BUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with