EDITORYAL - Tanikalang ‘endo’
(Pang-masa) - May 2, 2019 - 12:00am

KAHAPON, sa isinagawang rallies kaugnay sa pagdiriwang ng Labor Day, isa sa mga naging mainit na paksa ng mga manggagawa ay ang tungkol sa labor contractualization o “endo”. Sobra na ang kanilang pagkainip at gusto na nilang magkaroon ng kasagutan sa problemang ito na matagal nang tanikala sa kanila.

Malabo pa ang “endo”. Hindi pa gumagalaw sa Senado ang security of tenure bill na inaasahang magpapalusaw sa contractualization. Pero mabagal ang pagkilos ng mga senador sa isyu na ito. Maaaring kikilos pa ang mga senador makaraan ang May 13 elections. Sabi ni Sen. Joel Villanueva, chairman ng Senate labor committee, maaari nang maaprubahan sa final reading­ ang security of tenure bill. Umaasa si Villanueva na ma­aaprubahan ang batas bago sila mag-adjourn.

Mga mambabatas ang nakikitang nagpapabagal para maaprubahan ang panukala. Madaliin naman sana ito sapagkat matagal na itong hinihintay ng mga mangagagawa. Magkaroon na sana ng katuparan.

Noong nangangampanya pa si President Rodrigo Duterte noong 2016, mariin niyang sinabi na pinapatay ng contractualization ang skills ng manggagawa. Ito raw contractualization ay nararapat lamang sa mga mauunlad na bansa. Hindi raw ito karapat-dapat sa Pilipinas. Gusto ng Presidente na sa kanyang termino mawawakasan ang “endo”. Magkatotoo kaya ito?

Ang contractualization ay isang praktis ng mga employer kung saan tuwing ika-lima o ika-anim na buwan ay nire-renew ang kontrata ng mga manggagawa. Ginagawa ito para makaiwas sa pagbibigay ng benepisyo ang mga employer sa kanilang manggagawa. Kabilang sa mga benepisyo ay ang paghuhulog ng contributions sa Social Security System (SSS), Pag-IBIG at PhilHeath.

Maliwanag sa batas, na ipinagbabawal ang contractualization alinsunod sa Security of Tenure­ clause ng Konstitusyon. Ipinagbabawal din ito sa Article 280 ng Labor Code na nagsasaad na kapag ang trabaho ng isang manggagawa ay “necessary” o “desirable” sa negosyo ng employer, siya ay itinuturing na  regular na empleyado.

Panahon na para ipalasap sa mga manggagawa ang linamnam nang pagkakaroon ng permanenteng trabaho. Nararapat nang alisin ang tanikalang “endo” sa mga manggagawa!

LABOR DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with