^

Punto Mo

Ang bunga ng kabaitan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG gabing napakalakas ng ulan, may pumasok na mag-asawa sa lobby ng isang maliit na hotel sa Philadelphia, USA.

“Puwede bang bigyan mo kami ng isang kuwarto?”

Ang mabait at laging nakangiting front desk clerk ay sumagot.

“Sir ipagpaumanhin po ninyo, wala pong bakante kahit isa dahil nagkataon pong may tatlong sabay-sabay na convention na ginawa rito sa Philadelphia.”

Gumuhit ang pagkabigo sa mukha ng mag-asawa dahil sa oras na iyon na ala-una ng madaling araw at umuulan pa, mahirap maghanap ng hotel. Nadama iyon ng clerk.

“Sir kung inyo pong tatanggapin, ako po ay may simpleng kuwarto na tinutulugan, puwede ko pong ibigay iyon sa inyo. Hindi po kasing ganda ng hotel room ngunit maginhawa naman pong tulugan pansamantala.”

“Kung kukunin namin ang iyong kuwarto, saan ka matutulog?”

“Huwag kayong mag-alala, kaya ko pong gumawa ng paraan.”

Kinabukasan ng umaga, matapos magbayad ng mag-asawa, kinausap ng lalaki ang front desk clerk.

“Maraming salamat sa iyo. Kapag nagpagawa ako ng hotel, ikaw ang kukunin kong manager. Magaling kang mag-istima ng mga guests…makatao at may puso. Iyon ang mahalaga sa pamumuno ng isang kompanya.”

Pagkalipas ng dalawang taon, may sulat na natanggap ang front desk clerk. Mula ito sa mag-asawang pinatulog niya sa kanyang kuwarto. Iniimbitahan siyang dumalaw sa kanila sa New York. Ang liham ay may kasamang round trip ticket. Ang address ng lalaki ay sa kanto ng Fifth Avenue at 34th Street.

Nagkita ang dalawa. Dinala ng lalaki ang front desk clerk sa harapan ng isang bagong itinayong hotel. Ang sabi ng lalaki:

“Natatandaan mo ang sinabi ko sa iyo noon na kapag nagpagawa ako ng hotel, ikaw ang gagawin kong manager. Heto na ang hotel na sinasabi ko at ikaw ang itinatalaga kong manager.”

“Sir…huwag kayong magbiro nang ganyan…?”

“Seryoso ako. Tatanggapin mo ba o hindi?”

Siyempre tinanggap ng front desk clerk ang trabaho. Ang lalaking may-ari ng hotel ay si William Waldorf Astor. Ang front desk clerk ay si  George C. Boldt. Siya ang pinakaunang manager ng makasaysayang Waldorf-Astoria Hotel sa  New York City.

vuukle comment

WILLIAM WALDORF ASTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with