^

Punto Mo

Chuzon supermarket, sasabit ang kontratista?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG magiging problemado ang kontratista ng Chuzon supermarket dyan sa Pampanga dahil hindi raw tama ang pundasyon nito porke sa dalawang floor lamang ito tugma pero ginawang fourth floors.

Naku, patay!

Sabi nga, ito diumano ang dahilan kung bakit gumuho ang gusali?.

Kaya tuloy pinahahanap na ang responsable sa defective building para maimbestigahan at makasuhan kung mapatuna­yang nagkasala ito.

Naku ha!

Yari ka?

Hindi lang pala isa ang Chuzon supermarket may four branches pa pala ito kaya naman pinakakalkal ito at ipinasara na rin para sa structural inspection ng mga authorities.

Ano kaya ang masasabi rito ng ‘engineering, building at business permit officials na sumasakop sa probinsiyang ito? .

Sasagutin pala ng gobierno ang pagpapagamot sa mga nasaktan, papakainin at aayudahan ng pitsa ang mga ito habang nagpapagaling sila sa tinamong pinsala sa katawan.

Dapat atasan ni Boss Digong ang agarang pagsusuri sa lahat ng mga gusali na naapektuhan ng lindol hindi lang sa Luzon kundi maging sa mga lugar sa Samar.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

• • • • • •                                                                                                                                   

35th Cordillera Day

Mainit na ipinaaabot ng International Indigenous Peoples Movement for Self-Determination and Liberation (IPMSDL) ang pagbati ng pakikiisa sa mamamayan ng Cordillera at Cordillera Peoples Alliance (CPA) sa pagdiriwang ng 35th Cordillera Day sa ilalim ng temang “Labanan ang tiraniya. Isulong ang politika ng pagbabago at sariling pagpapasya.”

Ang Cordillera Day ay isang mainam na lunsaran ng pagpapatibay at pagpapanibagong-sigla ng kaisahan ng mga katutubo saan man sa mundo para sa pagsusulong ng kanilang karapatan at kagalingan.

Nagbibgay pugay tayo sa kabayanihan ni Ama Macliing Dulag at mga martir ng Kaigorotan na lumaban sa pagsasamantala at political na panggigipit, mataas na pagkilala rin sa mga bayani ng ating panahon – mga komnidad at organisasyon – na nanindigan sa depensa at paggigiit sa ating karapatan sa lupa at sariling pagpapasya sa ilalim ng tiranikong pamumuno ng rehimeng Duterte. Isa mabuting pagkakataon ang Cordillera Day ngayong taon upang itaas ang panawagan sa mas mahigpit na pagkakaisa at militanteng paglaban upang biguin ang paistang Estado sa pagsira ng ating hanay at pagyurak ng ating karapatan.

Ipinagmamalaki ng IPMSDL ang maging kasama ng mga katutubo ng Cordillera at maging kabahagi ang CPA sa mga kampanya laban sa pandarambong ng likas-yaman, militarisasyon sa katutubong komunidad, at papatinding paglabag sa karapatang pantao sa Cordillera at buong Pilipinas. Isang inspirasyon sa amin ang patuloy na paglaban sa imperyalistang pandarambong sa kabila ng papatinding atake sa mga komunidad – ang patuloy ang pananalasa ng malalaking at pribadong minahan, energy companies at banta ng hydropower Chico River Pump Irrigation Project. Ikinararangal naming tumindig kasama ng matatapang na Igorot at mamamayan ng Cordillera na tagapagtanggol ng karapatan at kalikasan kahit pa tumitindi ang panghaharas, paniniktik, politikal na panggigipit, panghuhuli, pagpatay at akusasyon bilang rebelde at terorista ng mga pwersa ng estado

Related video:

vuukle comment

CHUZON SUPERMARKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with