^

Punto Mo

Lalaking pumuga higit 10 taon na ang nakararaan, sumuko dahil nagsawa na sa pamumuhay sa beach

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki ang kusang sumuko sa mga pulis sa ­Salzburg, Austria at nagsabing isa siyang pugante simula nang makatakas siya sa isang kulungan sa Austria higit 10 taon na ang nakararaan.

Sumuko raw siya dahil sawa na siya sa pamumuhay niya sa beach sa Canary Islands sa Spain.

Ayon sa mga pulis, lumapit sa kanila ang 64-anyos na lalaki at diretsong inamin sa kanila na higit 10 taon na siyang pugante na kararating lang mula sa Munich airport.

Dagdag pa ng lalaki na hindi na ganoon kaganda katulad ng dati ang tinirhan niyang beach sa Canary Islands at masyado na ring matagal ang naging pananatili niya roon.

Hindi na inilabas ng mga awtoridad ang pangalan ng pugante, na may dala-dala pa ang kanyang mga maleta nang sumuko sa mga pulis sa istasyon ng tren.

Kinumpirma naman ng mga pulis na pugante nga ang lalaki at nakatakas ito 15 taon na ang nakararaan sa isang kulungan sa silangang bahagi ng Austria. Nakakulong na siya ngayon sa isang bilangguan sa Salzburg.

Hindi naman malinaw kung kailan makakalaya ang lalaki at kung siya’y makakakita pa muli ng beach.

vuukle comment

CANARY ISLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with