Si Mayor, ‘childish’!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

Sino kaya itong Metro Manila mayor na kabilang sa nasasakupan ng Eastern Police District (EPD) na itinuturing ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na “childish”.

Aba’y kung pagbabasehan ang pahayag ng PNP chief, talagang iisipin mong “isip-bata” si mayor na mabilis magtampo. Pagnagtampo hindi hindi ka na niya bibigyan ng kanyang “kendi”.

Parang sinabi niyang “hindi tayo bati”.

Kung bakit, eto biruin ninyong winithdraw daw ni mayor ang suporta sa kanyang local police bilang ganti sa hindi pagbibigay-alam sa kanya sa designation ng bagong chief of police sa kanyang lungsod.

Pati raw ang gasoline allowance at iba pang financial assistance sa city’s police force eh binawi na rin nito.

Ibig sabihin ayaw niyang suportahan ang kanyang kapulisan.

Aba’y paano na ang peace and order sa inyong lugar mayor?

Naku naman mayor , ano ba ang mahalaga sa ‘yo ang inalis na dati mong chief of police o ang yung mga constituents na dapat mong pangalagaan at mabigyan ng proteksyon.

Mukhang hindi palalampasin ng PNP ang ganito umanong asal kaya magsusumite na sila ng report sa DILG ukol dito.

Kasabay nga nito, nanawagan ang PNP chief sa mga local executives na huwag abusuhin ang kanilang kapangyarihan.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with