Tatay Toti, inspirasyon ni NCRPO chief Eleazar!
SUPALPAL! - Non Alquitran (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

SINUSUNDAN lang ni NCRPO director Maj. Gen. Guil­lermo Eleazar ang mga yapak ng kanyang ama na si SSgt. Victor Eleazar, na isang beterano ng World War 2. Kaya hindi na kataka-taka mga kosa kung nananalaytay sa ugat ni Eleazar ang tinatawag na public service dahil na rin sa inspirasyon na ibinigay ng kanyang ama, na kilala bilang Tatay Toti.

Ang mga dinaanan ni Tatay Toti noong panahon ng giyera laban sa mga Hapones ang nagsilbing gabay kay Eleazar para marating niya ang rurok ng tagumpay sa Philippine National Police (PNP). Si Tatay Toti kasi mga kosa ang humikayat kay Eleazar na pumasok sa Philippine Military Academy (PMA).

Ang Metro Manila top cop ay miyembro ng PMA Class ‘87. Sa puwesto niya bilang NCRPO chief, aba ilang hakbang na lang at kapag palarin ay baka mapalitan na niya si PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa pagretiro nito sa Nobyembre. Puwede, ‘di ba mga kosa?

Kasi sa ipinakitang sipag ni Eleazar sa trabaho bilang NCRPO chief, aba deserving na talaga siyang mamuno sa PNP. Get’s n’yo mga kosa? Ang drawback lang ni Eleazar ay hindi siya taga-Davao, ang home province ni President Digong. Subalit pinatunayan na ni Digong na ang ipinakitang trabaho ang magsilbing batayan para sa PNP chief at ang magandang halimbawa riyan ay si Albayalde. Araguuyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Tumpak!

Si Tatay Toti, UNK WWll veteran, ay ipinanganak noong Mayo 11, 1927. Halos 15 na taon pa lang siya nang sumapi sa gerilya para labanan ang mga Hapones. Ang una niyang ginampanang tungkulin ay taga-kolekta ng supplies o ‘di kaya’y maghanap ng pondo para may pambili ng pangangailangan ng mga gerilya na nakikipaglaban sa mga Hapones. Siyempre, maraming beses ding nakipagbarilan si Tatay Toti sa mga kalaban.

Ang kabayanihan ni Tatay Toti ay walang permiso sa kanyang ama na si Guillermo Eleazar o Tatay Emong. Ginawa ito ni Tatay Toti para ipagtanggol ang bansa at mapalaya ang mga kababayan.

Kapag tinatanong ng mga kapatid at kamag-anak kung hindi siya natatakot sa ginagawa niya sa Lukban at Tayabas sa Quezon, ang sagot ni Tatay Toti ay hindi at para sa bayan ang kanyang pinasok. Kaya kung naging inspirasyon ni Eleazar ang kanyang ama, aba hindi nakapagtataka mga kosa kung nasa tamang landas lang siya. Hak hak hak! Go, go, go lang General Eleazar Sir!

Kaya karapat-dapat lang na gawaran ng parangal ng Veterans Federation of the Philippines si Tatay Toti dahil sa kabayanihan niya noong WW2. Si General Eleazar mismo ang tumanggap ng award ni Tatay Toti noong selebrasyon ng Philippine Veterans Week noong Huwebes na ang tema ay, “Sakripisyo ng Beterano ay Gunitain, Gawing Tanglaw ng Kabataan, Tungo sa Kaunlaran”.

Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Eleazar ang mga beterano na samahan siya sa pakikibaka laban sa droga, na sumisira ng kinabukasan ng mga kabataan. Inulit din niya ang panawagan na dapat ang mga kabataan, lalo na ang mga estudyante, ay mapasailalim sa random drug testing para maiwasan nila ang droga habang maaga pa. T’yak ‘yun! Abangan!

GUIL­LERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with