EDITORYAL - Walang disiplina sa pagtatapon ng basura
(Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

KAHIT kailan, kahit saan, marami pa rin ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Tapon dito, tapon doon. Kahit ang mga nasa loob ng tumatakbong sasakyan, itinatapon sa labas ng bintana ang kanilang basura. Nagpapakita ng kawalan ng disiplina at kamangmangan sa epektong dulot ng basura sa kapaligiran.

Nitong nakaraang Mahal na Araw, minsan na namang nakita ang kawalan ng disiplina nang mara-ming bumisita sa mga simbahan o nag-visita Iglesia. Huwebes Santo at Biyernes Santo nang magtungo sa mga simbahan ang mga Katoliko. At sa bawat simbahan na kanilang binisita, nag-iwan din sila ng basura. Pawang mga plastic na supot ng pinaglagyan ng softdrink at tubig ang iniwang basura. Bukod sa plastic, nag-iwan din ng mga paper cup at styro na pinaglagyan ng kanin at ulam. Mayroon ding cup ng noodles at sachet ng kape.

Pinakamaraming basurang iniwan sa isang grotto sa San Jose del Monte, Bulacan. Sa paligid ng grotto ay makikita ang tambak ng basura. Sobrang dumi ng paligid na para bang hindi bahay ng Diyos ang lugar. Malayung-malayo sa dating tanawin ang grotto noong hindi pa dumarating ang mga nagbi-visita Iglesia. Ipinakita ang kawalan ng disiplina at kamangmangan ng mga nagtungo sa grotto. Nawalan ng saysay ang pagtungo sa lugar sapagkat naghatid lamang nang maraming basura.

Bago ang Semana Santa, nag-viral naman sa social media ang isang van na tumatakbo sa boun-dary ng Mandaluyong at Makati na hinabol ng isang German cyclist. Bitbit ng cyclist ang isang plastic ng basura na itinapon ng mga sakay ng van. Nang abutan ng dayuhan ang van na naipit sa trapik, kinatok niya ang pinto at nang buksan, ibinigay niya ang basura na itinapon ng mga sakay nito.

Kahit saan, kahit kailan, maraming Pilipino ang walang disiplina sa pagtatapon ng kanilang basura. Hindi na nakapagtataka kung dumating ang panahon na pawang basura ang makikita sa kalsada, simbahan, parke at iba pang lugar. Kakahiya na kung sino pa ang mga dayuhan, sila pa ang nagpapamukha sa kawalan ng disiplina at kamangmangan sa pagtatapon ng basura. Kailan matututo ang mga Pilipino sa tamang pagtatapon ng basura.

BASURA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with