Jueteng sa Southern Metro
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

MATINDI pala ang operasyon ng jueteng ngayon sa sou-thern metro hindi ito masaling porke pinapatungan ito ng isang alyas koronel ‘dekampot’ at ang sinasabing trusted man ni  CPNP Oscar Albayalde na kung tawagin ay Jojo ‘kuaderno,’ isang civilian na parang baboy este mali pulis pala kung umasta.

Sabi nga, masahol pa sa pulis kung pumorma r’yan sa Crame.

Ang dalawang ito ang may malaking pakinabang sa jueteng sa southern metro kaya naman naggagalaiti sa tampo ang ibang mga kabaro nila porke hindi man lamang sila inaanggihan ng parehas na grasia mula sa kalakaran ng multi-million peso na tarahan.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa bulong, wala na raw ang prangkisa ng ‘Happy Cool’ para sa expanded small town lottery sa lugar dahil hindi ito makapag-remit sa pamahalaan ng dapat nilang ibayad sa kitang nakukuha nila mula sa mga tumataya ng STL kaya hayun sa kangkungan na ito ibinasura ng PCSO?

Buti naman!

Dahil sa pangyayaring ito, binuhay ng mga hunghang ang operasyon ng jueteng bookies at ginagamit pa diumano ang ‘Happy Cool’ sa ginagawang pangungumbra ?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi sa kuento, hindi biro ang kumbransa ng jueteng sa Muntinlupa, dahil ito ngayon ang may pinakamalakas na kumbransa sa southern metro, Parañaque ang kasunod tapos ay Taguig, Pateros at Las Piñas.

Sa Makati lang ang walang kubransa ng jueteng dahil ayaw ng illegal gambling ng mga public officials dito kabilang ang mga pulis.

Bakit?

Iyan ang itanong ninyo sa kanila.

Hindi matinag ang grupo ni alyas Jojo ‘kuaderno’ dahil ipinagmamalaki nito na malakas siya diumano kay CPNP Albayalde ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Sabi sa bulong, mukhang naniniwala sila sa mga ibinibida ng mga patong sa jueteng dahil tuloy-tuloy ang kubransa dito everyday ang holiday.

Ano sa palagay ninyo mapatigil kaya ito ng CIDG sa general headquarters o ang NBI ang dapat humuli sa kanila ?

Abangan.

* * *

Illegal drugs kalat sa Philippines my Philippines

Kahit hirap ang ating mga autoridad sa pagpasok ng mga illegal drugs from abroad ay nahuhuli naman natin ang mga courier nito sa Philippines my Philippines.

May nakukuhang droga na palutang-lutang sa mga karagatan, may mga nahuhuling bulto-bultong droga sa mga banyaga at mga pinoy na walang sawang nagtutulak.

Buti na lamang up to now ay matindi ang operasyon ‘cadena de amor’ ng drug enforcement unit kaya naman kahit papaano ay nakakakuha sila ng mga malalaking bulto sa mga trusted courier ng mga international druglords organization.

Sa awa ni Lord, huli dito, huli doon ang nangyayari. The latest ay iyong sa dalawang Nigerian nationals at partner nilang pinay na nakunan ng halos P18 million worth of shabu dyan sa isang probinsiya sa Camarines Sur.

Kaya dapat ibalik na talaga ang parusang kamatayan sa mga nasasangkot sa mga illegal drugs.

Sabi nga, 200 grams lang dapat ‘kill’ na ?

Ano sa palagay ninyo ?

Abangan.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with