Tren, umandar mag-isa at nakatakbong 13 km bago nahabol ng driver
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

MAG-ISANG umandar ang makina ng isang electric train sa Maharashtra, India at umabot ng 13 kilometro bago ito nahabol ng driver.

Nangyari ang insidente habang pinapalitan ang electric engine ng tren dahil dadaan ito sa riles na hindi de-kuryente.

Nang maalis ang electric na makina, umandar itong mag-isa sa riles.

Mabuti na lang at nagpaka-action star ang driver ng tren at hinabol habang sakay ng motorsiklo ang umaandar na electric engine.

Umabot ng 13 kilometro ang natakbo ng makina bago naabutan ng driver at nagawang makasampa rito.

Sa kabutihang palad, wala namang napabalitang nasaktan sa nangyari.

Agad kasing umaksyon ang mga empleyado ng railway system at ina­bisuhan ang mga istasyong dadaanan ng makina para masiguro na walang magiging banggaan sa mga riles.

ELECTRIC TRAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with