^

Punto Mo

Balik sa normal!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

 Ayan na back to normal na!

Matapos ang mahaba-habang bakasyon balik na uli sa dati   ang takbo nang buhay ng ating mga kababayan.

Pihadong ang sasalubong sa atin ngayon ay ang matinding trapik o kalbaryo sa mga lansangan.

Kung sa mga nakalipas na araw ay nakaramdam tayo ng ma-ginhawang paglalakbay sa mga kalsada sa Metro Manila, iba na ang asahan natin ngayon.

Balik Metro Manila ang marami nating mga kababayan, kaya nga balik-normal na, matindi at masikip na trapik.

Eto pa, ngayon din sisimulan ng MMDA ang kanilang dry-run sa pagba-ban sa mga provincial bus na dumaan sa EDSA.

Sa mga temporary bus terminals sa Valenzuela City, Parañaque City at sa Sta Rosa sa Laguna lang sila puwedeng magsakay at magbaba ng kanilang mga pasahero.

Kaugnay ito sa tuluyang pagsasara sa may 47 bus terminals sa kahabaan ng EDSA na nag­lalayong maibsan ang trapik sa lugar.

Bagamat dry-run pa lamang bilang paghahanda sa  pormal na pagpapatupad dito  sa darating na Hunyo, huhulihin na ang mga lalabag simula ngayon.

Ito ay para masanay na ang mga bus driver na sumunod sa naturang kautusan.

Ang punto naman ng mga commuters sana ay ipinagpaliban kahit ilang araw lang ang pagpapatupad nito dahil  nga balikan na ang marami buhat sa lalawigan na bitbit ang mabibigat na bagahe.

Matinding hirap at kalbaryo  nga naman sa kanila ang magpalipat- lipat pa ng sakay.

Babantayan  natin kung may positibo itong resulta o makakabawas sa trapik kung hindi naman baka pwede uling mapag- aralan na makakatulong din sa maraming maaapektuhang commuters.

 

 

 

vuukle comment

NORMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with