^

Punto Mo

Gambling lord arestado, P3-M cash at alahas bulilyaso?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI pa nga lumalamig ang iskandalo sa pagkawala ng P720,000 halaga ng pekeng sigarilyo sa Station 1 ng Manila Police District ay heto’t may kasunod na namang delubyo. Ang kumakalat na balita sa MPD mga kosa ay nahuli ng Anti-Carnapping Unit si Jeff Concepcion alyas Lagalag sa Sampaloc at nakakuha ang operatives ni alyas Tangdol ang halos P3 milyong cash at alahas. Subalit kung sa ibang police district ay malaking accomplishment na itong pagkahuli kay Jeff, aba mukhang itinago ng MPD ang kaso nito.

Araguuyyy! Alam kaya ni MPD director Brig. Gen. Vicente Danao ang pagkahuli kay Jeff? Kapag hindi alam ni Danao ang kaso ni Jeff, maliwanag pa sa sikat ng araw na “nabukulan” siya ni Tangdol, ‘di ba mga kosa? Panay ang pananakot ni Danao sa kanyang mga tauhan na huwag gumawa ng negatibo, lalo na ang pagkakaperahan, dahil maaapektuhan ang ambition niya na maging chief ng Philippine National Police (PNP) subalit mukhang wa epek ito.

Sa tingin ng mga kosa ko, babangungutin ng missing sigarilyo at P3 milyon ni Jeff  ang ambition ni Danao. Potaahhhh! Hak hak hak! Hindi pa nga tapos ang imbestigasyon ni NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa misssing cigarettes, heto’t may pagkaabalahan na naman siya dahil sa kaso ni Jeff, ‘di ba mga kosa? Puro pitsa na lang ang lakad ng MPD ah?

Sino si Jeff? Ang kumakalat na tsismis sa Sampaloc, si Jeff ang nasa likod ng bookies ng karera sa District 4 ng Maynila na ang codename ay Lagalag. Sa totoo lang, na-raid na ang opisina ni Jeff ng mga ahente ng NBI noon at nakakuha nang malaking bulto ng shabu. Subalit makikita sa video footage na nagkalat ang computer at mga listahan ng taya sa karera sa ni-raid ng NBI na opis subalit hindi ginalaw ang mga ito dahil wala sa search warrant nila. Matatandaan na pati si Manila Mayor Erap Estrada ay lumutang sa NBI raid dahil sa report na si Jeff ay kaalyado ni Guia Gomez, na umano’y nasa likod ng malawakang distribution ng shabu sa Sampaloc. Si Gomez mga kosa ay hindi si San Juan Mayor Guia Gomez na partner ni Erap. Si Gomez ay pinahanting ni Eleazar dahil amo ito ni ex-Cpl. Jolly Aliangan, na naaresto ng NBI at nakakulong sa ngayon sa Manila City Jail. Tama lang naman na ma-raid si Jeff sa suspetsang nakalinya rin siya sa shabu kaya lang marami ang nagtatanong kung bakit Ancar ang ginamit ng MPD eh ang nasa warrant nila ay shabu at baril ang nakalagay. Araguuyyyy! Hak hak hak! Baka nakalagay ang shabu at baril sa sasakyan ni Jeff kaya Ancar ang bumira, ano sa tingin mo PNP chief Gen. Oscar Albayalde? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang problema lang, ang balita sa Sampaloc may kuha na litrato ang mga kaalyado ni Jeff habang nagkalat ang alahas at pera sa sala ng bahay nila na nakulimbat ng taga-Ancar. E alam ng mga kausap ko na si Jeff ay hard loser kaya hinikayat siya ni Eleazar na ilutang ang ebidensiya niya para magkaalaman na. Araguuyyy! Hak hak hak! Ano ba itong MPD at mukhang paurong ang takbo nila sa liderato ni Danao, na bata pa naman ni President Digong. Dati-rati No. 1 sila sa accompishments vs criminality subalit sa ngayon? Makakahinga nang maluwag si Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng MPD-Station 1 dahil nawawala sa kanya ang init ng panahon! Abangan! 

vuukle comment

GAMBLING LORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with