EDITORYAL - Kung kaibigan ang China, ba’t nagmamatigas sa Pag-asa?
(Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

BAGO mag-Semana Santa, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsampa na ang Department of Foreign Affairs ng diplo­matic protest sa China tungkol sa pananatili ng mga barko nito sa Pag-asa. Kasama rin sa protesta ang ginagawang pagharang sa mga Pili­pinong ma-ngingisda sa nasabing teritoryo ng Pilipinas. Sabi   ni Panelo, hihintayin na lang daw ang sagot ng Beijing sa protesta ng Pilipinas. Ayon pa sa Presidential Spokesman, inihain ang protest dahil nagmamatigas ang China na alisin ang kanilang mga barko sa paligid ng Pag-asa Island. Noong nakaraang Dis-yembre 2018 pa namataan ang mga barko ng China.

Sana ay magkaroon na ng resolusyon ang problemang ito at mapahinuhod ang China na alisin ang kanilang mga barko. Kung tunay silang kaibigan, base sa pagtuturing ni President Duterte, dapat igalang nila ang napagkasunduan sa sea dispute. Hindi sila dapat magmatigas sapagkat ang kanilang presensiya sa Pag-asa ay nagbibigay ng pangamba na pagsimulan ng gulo. Kamakailan nagbanta pa ang China sa US na huwag gambalain ang katahimikan ng South China Sea. Iisa lamang ang ibig sabihin ng banta, handa silang lumaban sa sinuman na sa kanila ay makikialam.

Kung talagang kaibigan ni Duterte si Chinese   President Xi Jinping, pakiusapan niya ito. Laging sinasabi ng Presidente na matibay daw ang pakiki-pagkaibigan ng Pilipinas at China. Wala raw makabubuwag sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Nakatakdang mag-usap si Duterte at Xi  sa darating    na Linggo. Dadalo si Duterte sa 2nd Belt and Road Forum sa  Beijing. Ayon sa Malacañang, kakausapin daw nang masinsinan ni Duterte si Xi ukol sa presensiya ng mga barko sa Pag-asa. Idagdag na rin sana ng Presidente ang ginagawa rin namang pangungulekta ng Chinese vessels sa mga taklobo (clams) sa Scarbo-rough Shoal. Kumikita umano ng milyong dolyar ang China sa negosyong ito.

Magpakita naman sana ang China sa Pilipinas ng tunay na kahulugan ng pakikipagkaibigan. Tinatanggap sila ng Pilipinas at sana’y pahalagahan ito. Huwag sana silang magmatigas at huwag ding sirain ang mga likas na yaman ng dagat.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with