Canadian na inatake sa puso sa Florida, naisalba ang buhay sa tulong ng Canadian na galing din sa kanyang bayan
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

ISANG lalaki mula Cana­da na inatake sa puso habang nagbabakasyon sa Florida ang naisalba ng isang lalaki na nagkataong Canadian din at galing pa sa mismong bayan na kanyang pinanggalingan.

Nagjo-jogging lang si Tom Reddon sa Indian Rocks Beach nang bigla na lang siyang bumulagta sa gitna ng kanyang pagtakbo.

Tumawag sa 911 ang ilang kababaihan na nakakakita sa pangyayari. Nagtanong din sila sa mga tao sa paligid kung mayroon ba sa kanila ang marunong ng CPR.

Sumagot si Sandy McNeill, isa sa mga nasa lugar, na marunong siyang mag-CPR kaya ginawa niya ang mouth-to-mouth kay Reddon hanggang dumating ang mga rumespondeng emergency crews.

Ginamitan nila ng defibrillator si Reddon bago siya itinakbo sa hospital, kung saan naisalba matapos ang isang operasyon.

Saka na lang nalaman ni MacNeill na ang lalaking kanyang naisalba, gamit ang kanyang CPR training ay nagmula rin sa bayan ng Fre-dericton sa Canada kung saan din siya nagmula.

Pasalamat na pasalamat naman si Reddon na buhay pa siya at sa pagsalba sa kanya ng kababayan na si MacNeill.

Plano niyang makipagkita at makipag-inuman kay MacNeill kapag pareho na silang nakabalik sa Fredericton.

Mas gusto naman ni MacNeill na sabay na lang silang dumalo sa isang kurso para sa CPR training.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with