May traffic din ang mga aircraft sa NAIA
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

HINDI biro ang dagsa ng mga pasahero sa lahat ng NAIA Terminals ngayong Semana Santa dahil nga sa walang pasok at bakasyon ng mga estudiante going to there provinces at abroad.

Matindi ang ipinatutupad na security check sa airport pagpasok pa lang ay pila kawali na upang masuri ng todo ang mga bitbit nilang mga bagahe at pagdating sa loob para sa airline departure check-in ay medyo humahaba na rin ang pila.

Para naman sa mga international flights ay ganoon din pero sa immigration area ay humahaba rin ang pila dahil ang lugar nila ay masiadong maliit at hindi birong mga pasahero kadalasan ang sabay-sabay na dumarating galing sa iba’t - ibang countries.

Totoong may mga delayed flights sa airport kaya naman ito ang isa sa mga dahilan na pagdami at mala-EDSA situation sa NAIA terminals.

Sinisisi ng mga pasahero ang pamunuan ng Manila International Airport Authority pero ang mga ito ay walang kasalanan kung alam lamang nila.

Ang isa sa problema sa pagbalam ng pag-alis ng eroplano sa NAIA ay ang pakaang-kaang na piloto.

‘May mga scheduled time of slotting ang lahat ng eroplano, sa paliparan para umalis.’

Mula sa NAIA bay parking na aalis na  eroplanong aatras ito para mag-taxi paputang runway para sa take off, ang problema kapag nasa unahan na ang eroplano ready to fly pero nagka-problema ang piloto sa hindi malamang dahilan dahil nga sa time slotting, raradyohan ito ng ‘control tower’ at tatanungin at pagkatapos ayaw pa rin sumalida ay papaalis na ito sa pila at ang susunod na eroplano sa kanya ang mauuna sa paglipad. Dahil nga sa may pila ang mga eroplano ang may problema ay pupunta muli sa likuran at  doon ulit pipila.

Kaya nagkakaroon ng delay flights sa NAIA !

Humihingi nga na pasensiya si MIAA general manager Ed Monreal sa mga naapektuhan na mga pasahero pero kailangan gawin niya ang hightened security para sa kaligtasan din ng lahat ng madlang people sa loob ng NAIA at maging sa eroplano.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with