2 kawatan sa Philadelphia, ibinalik ang estatwang ninakaw na may kasama pang bulaklak at card
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

NAIBALIK ang isang rebulto ng leon na naka-display sa harap ng isang bahay sa Philadelphia matapos mag-iba ng isip ang mga nagnakaw nito.

Ninakaw ng dalawang kawatan ang estatwa sa isang bahay sa West Chester Philadelphia ngunit matapos i-post ng mga pulis ang surveillance video na kitang-kita ang ginawa nilang pagnanakaw, naibalik na kaagad sa dating puwesto nito ang estatwa 2 araw pa lang matapos itong mawala.

Bukod sa estatwa ay nag-iwan din ang dalawang magnanakaw ng mga bulaklak at isang card kung saan nakasaad ang paghingi nila ng tawad sa kanilang ginawa.

Mabuti naman daw at pinili ng dalawa na gawin ang tama, ayon sa mga pulis.

Laking pasasalamat naman ng may-ari ng estatwa na naibalik ito kaagad.

WEST CHESTER PHILADELPHIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with