Backhoe ginamit upang nakawin ang isang buong ATM sa Ireland
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 12, 2019 - 12:00am

KITANG-KITA sa kuha ng mga security cameras ang ginawang pagnanakaw ng isang buong ATM gamit ang isang backhoe.

Ginamit ang backhoe sa pagbaklas ng ATM mula sa pader kung saan ito nakakabit at sa pagdampot nito papunta sa likod ng isang van.

Napag-alaman mula sa kuha ng ibang CCTV video na ninakaw ang backhoe bago ito dinala ng salarin sa isang gas station sa Dungiven, Derry kung nasaan ang ninakaw na ATM.

Makikita sa video kung paanong ilang ulit na binangga ng backhoe ang pader ng gas station bago natanggal mula sa pagkakakabit ang ATM, at kung paano ikinarga ng backhoe ang ATM sa likuran ng isang van na binaklas ang bubong.

Agad namang tumakas ang salarin mula sa lugar.

Ang ginamit na backhoe para

nakawin ang buong automated teller machine (ATM) sa Ireland.

ATM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with