^

Punto Mo

10 kuwento ng maling akala

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

5. Noong 2010, pinuntahan ng mga opisyal ng Tokyo si Sogen Kato sa kanilang bahay para personal nilang batiin ito sa kanyang ika-111th birthday. Siya kasi ang itinuturing na pinakamatandang tao sa Tokyo. Pagdating sa bahay, ang sumalubong sa mga opisyal ay kalansay ni Kato na 30 taon na palang namayapa ngunit hindi inire-report upang patuloy na tumanggap ng pensiyon ang mga anak nito.

6. Ang iniregalong moon rock ng USA sa dating Prime Minister ng Netherlands noong 1969 na bumisita ito sa bansa ay petrified wood lang pala. Ang moon rock, supposed to be, ay dala ng Apollo 11 astronauts nang manggaling sila sa moon noong 1969. Mga curators mula sa Dutch National Museum ang nakatuklas na fake moon rock ang natanggap nilang regalo mula sa USA. Simula noon ay wala silang natanggap na paliwanag mula sa NASA.

7. Mga labing-isang pag-aaral ang ginawa ng iba’t ibang scientists na nagpapatunay na ang paninigarilyo raw ay nagpapababa ng panganib na magkaroon ng Alzheimer’s disease. Sa bandang huli, nabistong ang mga scientists palang ito ay may kanya-kanyang koneksiyon sa tobacco industry kaya lumikha sila ng fake studies na nagsasaad ng positive benefits ng paninigarilyo.

(Itutuloy)

vuukle comment

SOGEN KATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with