Mga kandidato pabonggahan sa kampanya!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - April 1, 2019 - 12:00am

Parang piyesta ano?

Kasi nga kabi-kabila na ang kampanya ng mga kandidato.

Sabay-sabay na yan, ang mga tatakbo sa nasyunal   at  lokal na posisyon

Kaya nga ramdam na ramdam na ang init na halalan. Aba’y umaga pa lang tulog pa yata si ‘tandang’,  gising na ang mga supporters ng mga kandidato at nag-iikot na sa mga barangay.

Talaga naman, mistulang alarm clock  ang  karamihan. Aba eh talaga naman pagdaan ng kanilang mga sasakyan, gising ang lahat sa  malakas nilang mga patugtog.

Hindi lang yan, sa kanilang mga pag-iikot kanya-kanyang pabonggahan para mapansin ng mga botante. Ok lang naman ang ganito, basta ba wala lang gulo o iringan.

Sana rin ay ang mailatag nila ay ang kanilang plataporma at hindi sa pagbuka ng bibig ay paninira sa kanilang katunggali ang namumutawi.

Maglahad na lang sila kung ano ang nais nilang gawin na paglilingkod at hindi  nakatuon sa pagwasak sa kanyang kalaban.

Patutsadahan dito, patutsadahan doon , yon ang naririnig ng mga botante.

Hindi masabi nang husto ang kanyang dahilan bakit nais niyang tumakbo sa posisyon sa pamahalaan.

Asahan na natin na lalong iinit ang kampanya habang papalapit nang papalapit ang halalan.

Sana lang, ngayong sobra  na ang init ng panahon, ‘wag naman sana itong sabayan ng init ng ulo sa kampanya para maiwasan ang anumang uri ng kaguluhan at karahasan.

At sana rin masunod ng lahat ng mga kandidato ang mga patakaran sa kampanya hanggang sa sumapit pa ang halalan.

Wala naman sanang maging pasaway lalu na sa pagkakabit ng kanilang mga campaing material.

Maging isa rin itong basehan ng mga botante sa papili kung sinong kandidato ang palasunod sa mga alituntunin at patakaran sa halalan.

 

KANDIDATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with