^

Punto Mo

Sampung kuwento… na magpapatunay na marami pa rin may mabubuting puso

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 4)

6. Isang lalaki ang nasaksak nang ipinagtanggol niya ang isang buntis mula sa isang snatcher. Hindi magkakilala ang lalaki at buntis pero nanaig ang kabutihan sa kanyang puso na ipagtanggol ito. Nakaligtas ang lalaki sa kamatayan matapos operahan.

7.  Si Shelia Fedrick ay  flight attendant ng Alaska Airlines na bumibiyahe mula Seattle hanggang San Francisco noong 2011. Sa isa niyang biyahe, napansin niya ang isang blonde girl na sa kanyang pagtatantiya ay 14 or 16-years old at mukhang hindi komportable sa kanyang kasamang matandang lalaki. Maganda ang bihis ng matanda ngunit ang bata ay hindi maayos ang hitsura. Medyo madungis ang damit nito at ang buhok ay tila hindi na nakuha pang suklayin.

Kapag kinakausap niya ang bata, hindi ito binibigyan ng pagkakataon ng matandang lalaki na sumagot sa kanya. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon si Shelia, pasimple siyang bumulong sa bata nang abutan niya ito ng inumin at sinabing may note siya sa likod ng mirror sa toilet. Isinulat ni Shelia sa kapirasong papel kung may problema ito. Pumasok ang bata sa toilet at sumagot “I need help”.

Inalerto ni Shelia ang piloto. Ito ang kumontak sa mga otoridad. Pagdating ng eroplano sa San Francisco terminal, naroon na ang mga pulis at naghihintay na sa matandang lalaki. Biktima pala ang bata ng human trafficking. (Itutuloy)

vuukle comment

SAMPUNG KUWENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with