^

Punto Mo

EDITORYAL - Paigtingin pa ang kampanya sa illegal drugs

Pang-masa
EDITORYAL - Paigtingin pa ang kampanya sa illegal drugs

AYON sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), apat na international drug syndicates ang nag-ooperate sa bansa. Ang apat ay ang United Bamboo Gang, Sinaloa drug cartel, African drug syndicate at Golden Triangle syndicate. Nababahala ang PDEA sa operasyon ng sindikato sapagkat bu-mabaha ang droga sa bansa.

Noong Biyernes, nakakumpiska ang PDEA ng 276 kilos ng shabu mula sa isang shipment galing sa Vietnam sa Manila International Container Port. Nagkakahalaga ito ng P2.5 bilyon. Ang nakumpiskang droga ay walang ipinagkaiba sa nakumpiska sa Ayala-Alabang Village sa Muntinlupa noong nakaraang linggo.

Hindi lamang shabu ang bumabaha kundi pati ecstacy. Noong nakaraang linggo napatay ng PDEA agents ang bigtime supplier ng ecstacy sa Metro Manila. Nakipagbarilan sa mga awtoridad si John Steven Pasion makaraaang salakayin ng PDEA ang unit nito sa isang condominium sa Sta. Cruz, Manila. Tinamaan sa dibdib ang suspect. Naaresto naman ang ka-live-in nito na nakilalang si Irene Mercado. Si Pasion ang sinasabing taga-supply ng ecstacy sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Dahil malaking pagkakakitaan, may mga senior citizen na nagtutulak ng droga gaya ng 60-anyos na babae at nakuhaan ng P3-milyong halaga ng shabu sa bahay nito sa Makati City kamakailan. Nakuha sa suspect ang kalahating kilo ng shabu. Inutusan umano siya ng kanyang asawa na ideliber ang shabu. Galing umano ang shabu sa Taiwan.

Nararapat pang paigtingin ang kampanya sa illegal na droga. Sabi ni President Duterte ang huling tatlong taon daw niya sa puwesto ay magiging mabangis laban sa drug traffickers at pushers. Kulang na lamang sabihin na mas magiging madugo.

Nararapat lamang na paigtingin ang kampanya para matapos na ang problemang ito. Hangga’t may mga supplier, walang katapusan ang pagkalat ng droga. Mas mainam kung magpopokus pa ang PDEA sa pinagmumulan ng droga. Makipagtulungan naman ang Customs sapagkat marami pa ring idinadaan sa shipment ang pagpapasok ng shabu. Matutuwa ang taumbayan kung malulupig na ang mga salot na drug traffickers.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with