Kampanya vs droga at krimen sa Laguna, matagumpay!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

HINDI na dapat pagtakhan kung maging mapayapa ang May election sa Laguna dahil sa kasipagan ng mga tauhan ni Sr. Supt. Eleazar Matta, provincial police director. Kaliwa’t kanan kasi mga kosa ang isinasagawang anti-crime campaign ni Matta at habang palapit na ang election ay kokonti na lang tiyak ang drug pushers, users at mga kriminal sa Laguna. Katunayan, noong Marso 20 at 21, nagsagawa ng SACLEO ang Laguna police at umabot sa 128 katao ang naaresto, kabilang na rito ay 48 sa isinagawang buy-bust operation sa illegal na droga. Hindi lang ‘yan!  May 17 operations din laban sa droga kung saan 9 dito sa pamamagitan ng warrant of arrest, 6 sa inflagrante delicto, isang volatile substance at isang police response na nagresulta rin sa 30 katao ang nahuli. Siyempre, hindi maiwasan ang shooting incident sa anti-drug operation at limang drug pushers ang nautas sa buy-bust at pag-serve ng search warrant. Araguuyyy! Pitong operation naman ang isinagawa sa illegal gambling at 18 katao ang naaresto samantalang nakahuli rin sila ng paglabag ng Omnibus Election Code at anti-trafficking of person. At higit sa lahat, apat na kabataan ang na-rescue ng mga tauhan ni Matta na matiwasay namang nai-turnover sa City Social Welfare Department (CSWD) ng Biñan City. Hak hak hak! Sa sobra-sobrang accomplishment ni Matta, naniniwala na ba kayo mga kosa na magiging matahimik ang halalan sa Laguna sa Mayo? Tiyak ‘yun!

Kaya lang may konting problema si Matta kasi nga tatlong mayor ng Laguna ay napasama sa listahan ni Pres. Digong ng mga pulitiko na sangkot sa droga. Maaga pa lang ay nagpakalat na si Matta ng mga pulis galing sa Provincial Mobile Safety Batallion sa San Pablo City, Los Baños at Bay para hindi makakilos ng masama ang mga mayor dun at alagad nila para maghasik ng lagim bago ang halalan. ‘Ika nga, guwardiyado na ang mga loko-lokong supporters ng mayors na nasa watchlist ni Digong sa droga. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa? Sa totoo lang, wala namang tinatawag na areas of concern ng Commission on Elections (Comelec) sa Laguna kaya lang matapos mai-release ni Digong ang 46 pulitiko na sangkot sa droga at tatlo dito ay nasa Laguna, kumilos na kaagad si Matta para panatilihing tahimik ang probinsiya niya. Araguuyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Sa totoo lang, magre-return bout sina Gov. Ramil HErnandez at dating Gov. JR Ejercito sa pagka-gobernador ng Laguna. Matataandaan na vice gov. ni Ejercito si Hernandez nang ma-disqualify ang una noong panahon ni Pres. Noynoy Aquino dahil sa sobrang gastos sa kampanya. Noong nakaraang 2016 elections, sumabak uli sina Hernandez at Ejercito at nanalo nga ang una dahil sa confusion sa pagtakbo rin ng anak ng huli sa pagka-governor, di ba mga kosa. Si Hernandez ay tatakbo sa tiket ng PDP-Laban samantalang si Ejercito ay sa Hugpong at wala namang nabalitaan si Matta na may tinatawag na private army ang magkabilang kampo kaya tiyak walang gulo sa Laguna sa Mayo. Abangan!

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with