^

Punto Mo

Sampung kuwento… na magpapatunay na marami pa rin ang may mabubu-ting puso

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Ikalawang kuwento ng ama na ang anak na lalaking 14 years old ay may cancer.)

SA probinsiya kami nakatira pero regular kaming lumuluwas sa Maynila na mag-ama upang magpa-chemo therapy ito. Dati ay nakikituloy kami sa bahay ng aking kapatid pero marami itong anak na pulos mga bata pa at makukulit. Sa halip na makapagpahinga ay lalong nai-stress ang aking anak. Isama pa rito ay paulit-ulit na pamumuna ng mga pinsan sa unti-unting nalulugon na buhok ng aking anak. Lihim itong umiiyak kapag nag-iisa na kami sa bedroom. Kaya nagpasiya akong sa susunod naming pagluwas ay maghohotel na kaming mag-ama malapit sa ospital kung saan kami nagpapagamot.

Nang muli kaming lumuwas, tuluyan nang kinalbo ang aking anak. Upang samahan siya sa kanyang kalagayan, nagpakalbo na rin ako. Kagaya ng nauna kong plano sa hotel na kami tumuloy ng aking anak. Nag-dinner kaming mag-ama sa restaurant ng hotel. Iilan lang kaming guests na kumakain ng oras na iyon kaya naging kapuna-puna kaming mag-ama sa staff ng restaurant. Mga foreigners ang kasama naming kumakain kaya di nila kami pansin. E, alam mo naman ang ibang Pinoy, minsan, nakakita lang ng mag-amang kalbo, akala mo ay nakakita na ng multo o isang bagay na kagila-gilalas. Pasulyap-sulyap sila sa amin. Nahalata kong lalong naging conscious ang aking anak sa kanyang bagong hitsura. Lalo tuloy itong hindi nakakain nang maayos. Pagkatapos naming kumain ay inihatid ko ang aking anak sa aming room tapos muli akong bumaba sa restaurant. Hiniling ko sa isang staff na gusto kong kausapin ang manager.

Sinabi ko sa manager na plano kong sa hotel nila kaming mag-ama tutuloy tuwing may schedule ito ng chemo therapy dahil ito lang ang pinakamalapit sa ospital ng aking anak. Ipinakiusap kong turuan niya ang kanyang staff na maging propesyunal. Sana ay huwag nilang uulitin ang ginawi nila noong pumasok kaming mag-ama na paulit-ulit nila kaming sinulyapan na para bang kami ay mga “alien”. Lalo tuloy nadama na aking anak ang nakakaawa niyang kalagayan. Sinabi kong nagsakripisyo akong magpakalbo upang hindi nito madama ang pagiging “kaiba”. Naunawaan naman ako ng manager at humingi ito ng dispensa.

Kinabukasan nang muli kaming mag-dinner sa restaurant, ang tatlong waiter ay nagpakalbo na rin.

 

vuukle comment

SAMPUNG KUWENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with