^

Punto Mo

Saklolo BITAG, motor ko nawala sa parking lot!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SINUSUMBONG sa BITAG Kilos Pronto ng isang ginang ang isang kompanya sa Parañaque. Ang kanyang motor kasi, nawala na parang bula sa parking lot ng establisimento.

Iniwan ng kanyang anak ang motor sa parking lot ng Aseana Business Park noong Pebrero 11, 2019. Kinabukasan, wala na ang motor nang kanyang balikan.

May CCTV camera pero malayo sa pinangyarihan ng krimen. Malaking palaisipan tuloy kung paano nailabas ang motor gayong hawak ng may-ari ang parking ticket.

Kung ganyan ka-inutil ang kanilang sistema, hindi nakapagtataka kung bakit namamayagpag ang mga carnapper. Nagiging palaruan na lang ang mga parking lot. Hot spot sa mga sasakyang pwedeng i-dekwat.

Ang siste kasi sa open parking lot, bibigyan ka ng ticket para makaparada. Bago makalabas ang sasakyan, babayaran muna ang parking fee at saka isu-surrender ang parking ticket.

Wala pang “update” ang management ng Aseana sa nangyari, ayon sa engineer na nakatutok sa kaso. Abala pa siguro sa pagkakamot ng kanilang mga yagballs.

Ito ang problema sa mga open parking sa ‘Pinas. Nagbabayad ka sa kanila, pero pag may nangyaring ‘di maganda sa sasakyan mo, wala silang pakialam.

Maliwanag na may kapabayaan ang namamahala sa parking space. Dapat silang managot dahil hindi nila ginampanan nang husto ang tungkuling pangalagaan ang gamit na ipinagkatiwala sa kanila.

Panukala ng isang dating kongresista na isabatas ang pananagutan ng mga establisimento oras na magkabulilyaso. Halimbawa na lang ang kasong ito.

Ito ang Parking Liability Act ni dating Buhay Party List Rep. Irwin Tieng. Sa kasamaang palad, hindi ito naging batas.  

Kaya siguro malakas ang loob at mistulang wapakels ang ASEANA dahil tali ang kamay namin sa ganitong kaso. Gayumpaman, hindi titigil ang aming grupo sa pagtulong dito sa na-agrabyado.

Apektado ang hanapbuhay ng pobre. Lalo’t ‘yung nawalang motor ang gamit nilang serbis sa negosyo. Hindi pupuwedeng wala silang makuha.

Kaya payo ko, habulin at pursigihing pagbayarin ng danyos perwisyo ang Aseana. Hindi nila puwedeng takasan ang kapabayaan.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with