Utol (172)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

HUMANGA si Anna sa magkapatid na Gerald at Xander. Kahit na magkaiba ang ina ng mga ito, magkasundung-magkasundo at nagkakaisa. Pawang kabutihan ang nasa puso ng mga ito. Sana ay ganito lahat ang magkakapatid sa mundo.

Naisip din naman ni Anna na talagang suwerte siya at si Xander ang napili niyang mahalin. Hindi siya nagkamali rito. Hindi nasayang ang paghihintay niya sapagkat napakabuting tao. Kaya pala ayaw niyang magpaligaw sa ibang lalaki ay sapagkat magkikita silang muli ni Xander. Kaya pala wala siyang napupusuan ay dahil para kay Xander lamang ang kanyang puso --- nag-iisa si Xander sa kanyang buhay.

“O Anna, hindi ka na kumibo riyan? Baka nagugutom ka na e magpapahan­da na ako ng pagkain kay Nanay Julia,” sabi ni Gerald.

“Naku hindi pa ako nagugutom, Utol. Mayroon lang akong naisip na masayang alaala kaya ako natigilan.’’

“Ah ganun ba? Pero magpapahanda na rin ako ng pagkain para anumang oras na gustuhin ninyong kumain ay naka-ready na ang mesa.’’

“Siyanga pala Utol, nasaan si Nanay Luisa? Kanina ko pa siya hindi nakikita.’’

“Maysakit si Nanay Luisa at nasa ospital. Pero hindi naman gaanong malubha. Nagpapagaling na siya. Nanggaling kami ni Nanay Julia roon kahapon. Mga pamangkin niya ang nagbabantay.’’
“Ganun ba? Kaya pala hindi ko nakita. Dadalawin namin ni Anna.’’

“Baka bukas, lumabas na siya. Dito n’yo na lang hintayin sa bahay.’’

Napatango si Xander.

KINABUKASAN, ipinasyal ni Xander si Anna sa pabrika ng banana chips. Hangang-hanga si Anna sa laki ng pabrika.

“Ito ang factory ng banana chips na pinakamasarap sa buong Pilipinas.’’

“Talaga? Gusto kong matikman.’’

“Halika sa loob.’’

Nang makapasok, lalong namangha si Anna. Napakalaki at maraming manggagawa sa loob. Lahat ng mga ito ay nakangiti na halatang kuntento sa kanilang trabaho.

(Itutuloy)

UTOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with