Pumatay dahil sa maingay na videoke, arestado ng CIDG!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

MANANAHIMIK na ang kaluluwa ni Alicia Quiroz dahil nahuli na si Jose Abraham Jr., na bumaril sa kanya dahil sa nakakainis na tunog ng videoke sa Bulacan. Matagal ding nagtago si Abraham sa safehouse niya sa Adriano Matias compound sa Bagombong, Sampaloc, Caloocan City nang bulagain ng mga tauhan ni Supt. Tom Ibay, hepe ng National Capital Region (NCR) ng CIDG. Inaresto si Abraham alinsunod sa warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ni Judge Francisco Felizmenio, ng Malolos City Regional Trial Court (RTC) Branch 19. Hindi pinayagan ni Felizmenio na magpiyansa si Abraham na sa tingin ko naman ay mabubulok sa kulungan dahil maraming testigo sa ginawa niyang pagpatay kay Quiroz. Araguuyyyy! Dahil sa pagpatay niya kay Quiroz, si Abraham ay nakalista bilang No. 7 most wanted person sa San Jose del Monte sa Bulacan. Hindi lang ‘yan! May kasong frustrated murder din si Abraham sa Infanta, Quezon. Hak hak hak! Pagbabayaran ng mahal ni Abraham ang kanyang mga kasalanan, di ba mga kosa?

Sa record ng pulisya, nagtipun-tipon ang mga katropa ng anak ni Quiroz sa kanilang bahay sa Phase 5, Towerville sa Bgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte ng nakaraang taon para mag-videoke. Habang nag-e-enjoy ang mga kabataan, aba naiinis naman ang tropa ni Abraham na nag-iinuman sa kanilang bahay. Walang makapagsabi mga kosa kung ang kinaiinisan ng tropa ni Abraham ay ang kantang “My Way” ni Frank Sinatra. Hehehe! Alam n’yo naman mga kosa na maraming namatay dito sa kantang “My Way” dahil paborito ito ng lahat na mahilig kumanta, lalo na sa mga videoke bar. Araguuyyyy! Sa report na nakalap ni Ibay mukhang kinalampag ni Abraham ang gate ng bahay nina Quiroz, na lumabas naman upang makipag-usap ng masinsinan sa kapitbahay niya. Subalit sa kasamaang palad, ang pag-uusap ay nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang umuwi si Abraham at kumuha ng improvised shotgun at binaril si Quiroz, na ikinagulantang ng tropa ng mga anak niya. Hak hak hak! Parang sanay na ring gumawa ng krimen si Abraham dahil tumakas kaagad siya at nagtago subalit hindi nakaligtas sa “long arms of the law.”

Panatag na sana ang kalooban ni Abraham habang nagtatago sa mga kamag-anak sa Caloocan City. Subalit lingid kay Abraham nagpalabas ng arrest warrant laban sa kanya si Judge Felizmenio at sa tulong ng informant ay natunton siya ni Chief Insp. Buchoy Gutier­rez.. Kasama ni Gutierrez sa operation para madakip si Abraham ang mga elemento ng Bulacan at Caloocan City Police at mabuti naman at hindi nang-agaw ng baril si Abraham. Araguuyyyy! Kung sa Manila nahuli si Abraham, tiyak mang-aagaw siya ng baril, di ba kosang Pat Santos Sir? At ang payo ko sa kapitbahay kong si Mang Jeff, hinay-hinay lang sa videoke dahil maaring panay 100 ang score niya, subalit naiinis naman ang mga kapitbahay niya kaya wala rin, di ba mga kosang Larry, Steve, Jun, Lacio, Joel, Lloyd at Henry? Kaya ang payo ko pa kay Mang Jeff, ‘wag na mag videoke at mag-tong-its na lang, di ba pareng George at Nato Sirs? Araguuyyy! Pasali, pasali! Abangan!

CIDG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with